Press "Enter" to skip to content

Mahigit 600 Na Hotel Rooms Sa Manila Ipapagamit Ng Libre Sa Frontliners

Last updated on March 20, 2020

Maraming hotel ang na ang tumugon na magbigay ng libreng matutuluyan para sa mga front liners at healthcare workers na hindi nakatira sa Manila habang kasalukuyang pinapatupad ang enhanced community quarantine.
Ipinahayag ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ito ay matapos nyang kausapin ang mga hotel officials noong Miyerkules.

Ang kanilang tugon

Sa kabuuan, ang Sogo ay magpapatuloy sa kanilang 421 kwarto, habang sa Eurotel naman ay 50. Bukod dito, nangako naman ang Town and Country na sila ay magpapatuloy sa kanilang 60 kwarto sa hotel.

Mahigit 600 Na Hotel Rooms Sa Manila Ipapagamit Ng Libre Sa Frontliners 2

Ang anunsiyo

Ang magandang balita ay inanunsiyo ni Mayor Isko Moreno sa isang post sa kanyang Twitter Account. “At 4:20 pm today, we talked to Sogo, Eurotel and Town & Country for the shelter of frontliners and healthcare workers living outside the City of Manila.” – Isko Moreno Domagoso

(Ngayong 4:20 ng hapon, pinulong ko ang Sogo, Eurotel at Town & Country upang makapagbigay ng pansamantalang matutuluyan para sa mga frontliners at healthcare workers na nakatira sa labas ng lungsod ng Maynila)

Ang kinakaharap na suliranin

Matatandaang nasa ilalim ang buong Luzon ng enhanced community quarantine. Kaugnay nito, kasalukuyang nakasuspinde ang lahat ng pampublikong transportasyon sa buong rehiyon. Dahil dito, nahihirapang makapasok ang mga front liners at healthcare workers, lalo na ang hindi nakatira sa loob ng lungsod.

Mahigit 600 Na Hotel Rooms Sa Manila Ipapagamit Ng Libre Sa Frontliners 3

Upang makatugon sa kanilang sinumpaang tungkulin, karamihan sa kanila ay naglalakad ng ilang oras makarating lamang sa kanilang mga trabaho. Sa ganitong paraan, madadagdagan ang mga front liners at healthcare workers na makakapagsilbi sa lungsod ng Maynila.

Dahil sa ginawang pagtugon na ito ng mga hotel officials, nilagdaan ni Mayor Isko Moreno ang Executive Order no. 17 na layuning matulungan ang mga front liners at healthcare workers higit lalo sa 6 na ospital sa Lungsod.

Source: Twitter

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: