Press "Enter" to skip to content

Mahinang Nilalang Daw Si FLM! Xian Gaza, Buong Yabang Na Ipinost Ang Pictures Sa Kulungan

Hindi talaga mapuknat sa pambabatikos kay Francis Leo Marcos o FLM ang isa pang kontrobersyal na social media personality na si Xian Gaza. Ngayon, nag post naman ito ng larawan ng kanyang sarili habang siya ay nasa kulungan.

Pangungutya ni Gaza

Ang Facebook post na ito ni Gaza ay bilang pangungutya sa pagkakakulong ni FLM dahil sa patong patong na isinampa laban sa kanya. Sa kumakalat kasi na video ngayon sa social media, makikitang iniimbestigahan si FLM ng mga awtoridad. Sa video halos maiyak na ito sa pagpapaliwanag tungkol sa kanyang tunay na pangalan.

Mahinang Nilalang Daw Si FLM! Xian Gaza, Buong Yabang Na Ipinost Ang Pictures Sa Kulungan 2

Sinamantala naman ni Gaza ang sitwasyon ni FLM upang tuluyan itong kutyain. Makikita sa kanyang Facebook post ang mga larawan niya na nakakulong pa siya. Tila hindi alintana ni Gaza ang kanyang sitwasyon noon at nakuha pa niyang ngumiti sabay nag pose pa ng peace sign.

Bucket list ni Gaza

Sa kanyang caption nakalagay ang katagang, “YUNG BUCKET LIST MO ANG MAKULONG”. Sa comment section naman nito, inilagay ni Gaza ang isang larawan ni FLM habang nasa kulungan. Nilagyan niya ito ng comment na “mahinang nilalang”.

Mahinang Nilalang Daw Si FLM! Xian Gaza, Buong Yabang Na Ipinost Ang Pictures Sa Kulungan 3

Ang ginawang pag post at comment ni Gaza ay tila isang pangungutya kay FLM. Tila nais niyang sabihin na napaka hina ni FLM. Siya ay nagagawa pa ngumiti kahit nakakulong habang si FLM naman ay tila iiyak na base sa anggulo ng napili niyang larawan.

Viral video ni Gaza laban kay FLM

Matatandaan na nag viral din ang video nito na kung saan, ibinunyag nito ang aniya ay tunay na motibo ni FLM. Ayon kay Gaza, hindi tunay ang ginagawang kabutihan ni FLM at ito ay puppet lamang ng isang malaking sindikato sa bansa.

Mahinang Nilalang Daw Si FLM! Xian Gaza, Buong Yabang Na Ipinost Ang Pictures Sa Kulungan 4

Ayon pa kay Gaza, ang tunay na layunin ng grupo ng FLM ay upang magtayo ng mga charity institution upang sa ganon ay mahuthutan ng mga ito ang mga OFW at mayayamang tao sa pamamagitan ng paghingi ng donasyon.

Source: Xian S. Gaza

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: