Press "Enter" to skip to content

Mahuhuling Quarantine Violators, Bokya Sa Ayuda Mula Sa Gobyerno Ayon Sa Pangulo

Sa panayam kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isang social media diretsahan niyang sinabi na ang mga nahuling lumabag sa lockdown ay hindi makatatanggap ng anumang tulong mula sa gobyerno.

Babala

April 16 ng ito ay kaniyang ideklara bilang isang babala sa publiko. Kasabay nito ay pina iimbestigihan din ng Pangulo sa kagawaran ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kabi-kabilaang balita sa likod ng sesyon na nagaganap gaya ng mga inuman at pagsasabong sa gitna ng lockdown.

Pina iimbestigahang aktibidad gaya ng sabungan at inuman.
Source: Pinas Balita

Dagdag pa ng pamunuan na mas pahihigpitin pa ang pagpapatupad sa batas ng lockdown. Ito ay matapos na makita ang report patungkol sa pagtaas ng bilang ng mga violators. Nangunguna na dito ang aktibidad ng pagsasabong at patuloy na pagbigat ng trapiko sa mga pangunahing daanan sa Metro Manila.

Barangay

Sinabi din na sinuman na makikilala ng kanilang barangay kapitan at mayor na sumusuway sa quarantine ay pasensyahan nalang dahil wala na silang mahihinging tulong mula sa Pangulo.

Sa ngayon may naitala ng humigit kumulang 108,088 bilang na mga lumabag sa nasabing batas. Ito ay ayon sa tanggapan ng Philippine National Police (PNP). Sinumulan ang lockdown noon pang Marso upang matugunan ang problemang kinakaharap mula sa COVID-19.

Pag extend

Ngunit sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga dinadapuan ng virus, minabuting muling ieextend ang nasabing quarantine. Ito ay hanggang sa katapusan na ng Abril. Dahil dito ay marami ang lubos na naapektuhan.

Pag extend ng lockdown
Source: msn.com

Kabilang na dito ang tigil pasada ng pampublikong sasakyan, pagdalo sa mga misa at higit sa lahat ang pagpatigil sa trabaho ng maraming mamayan. Ang maari lamang payagang na lumabas ay isang miyembro ng pamilya na bibili ng pagkain o iba pang pangangailangan.

Panayam kay PRRD sa isang social media.
Source: Inquirer.net

Habang tumatagal mas lalong humihirap ang sitwasyon. Kaya naman, nawa’y matuto tayong sumunod sa ating batas. Pairalin ang disiplina sa gayon ay makatulong sa paglutas ng krisis.

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: