Press "Enter" to skip to content

Maine Mendoza, Naglunsad Ng DoNation Drive Para Sa Mga Uring Manggagawa

“DoNation Drive via Gcash”-responde ng sikat na aktres na si Maine Mendoza para sa mahihirap na Pilipino na ang hanap buhay at kakayahan sa pag kita ay apektado ng ipinatutupad na quarantine dulot ng COVID-19.

Kanino?

Matapos ang Facebook Post ni Maine Mendoza ukol sa tinawag niyang “DoNation Drive” ay umani na ng maraming komento ng paghanga at pasasalamat ang aktres.

Maine Mendoza, Naglunsad Ng DoNation Drive Para Sa Mga Uring Manggagawa 2
Preview.ph

Kasabay na din nito ang tanong kung sino ba ang mga kwalipikado sa nasabing tulong?

Sa facebook post ni Maine kung saan rin niya unang ipinahayag ang kagustuhang tumulong ay kanya ding sinagot kung sino ang mga pamilyang kwalipikado sa kanyang DoNation Drive.

“Mga PUV drivers (tricycle, jeep, bus, etc.)”

“Pati po mga construction workers, street/market vendors, labandera at iba pang mga trabaho…”

“Kahit ano po ang trabaho niyo, pwedeng-pwede po …”

Maine Mendoza, Naglunsad Ng DoNation Drive Para Sa Mga Uring Manggagawa 3
Philstar.

Magkano?

Ayon pa rin sa post ng aktres, Isang libong piso ang  matatanggap ng bawat isang pamilya na apektado ng no work no pay mula sa DoNation Drive na isinusulong Niya.

Nilinaw ni Maine na makukuha ang nasabing tulong sa pamamagitan ng pag bibigay ng mga kinakailangan nilang detalye tulad ng proof of employment, company I.D at iba pang maaaring katibayan na ang isang indibidwal ay trabahador na walang kita sa ngayon dahil sa umiiral na quarantine.

Paano?

Kasunod nito ay ibinigay rin ni Maine ang Email address kung saan dapat ipadala ang nasabing mga impormasyon.

“Please send it to  DoNation.drive@yahoo.com”

“And please do not forget to include your mobile number (where the cash will be sent) as everything will be done via G-cash.”

Patuloy din na hinikayat ni Maine ang iba pang gustong tumulong na makiisa sa kanyang adhikain.

“To those who are willing to help, you can send your donations to this number: 09563890291” -Maine

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: