Press "Enter" to skip to content

Maja Salvador Nagsalita Na Tungkol Sa Hindi Pagbabalik Sa Ere ng ABS-CBN

“Just like gold, ABS-CBN is INDESTRUCTIBLE!!!!!!” ani ng aktres sa social media bilang paglabas sa kanyang nararamdaman at ito ay may kahawig sa mga linya na kanyang binitawan sa pagganap bilang Lily Cruz sa palabas na Wildflower.

Ang nararamdaman

Sa nangyaring pagtanggal sa ere ng ABS-CBN, maraming mga artista, mga empleyado, at mga mamamayan ang nagpaabot ng mga dasal at pakikipaglaban upang maibalik ang prangkisa nito. Isa na rito ang sikat na aktres na si Maja Salvador, noong ika-8 na araw ng noise barrage at motorcade matapos ito’y idaos ay nagbigay siya ng suporta para sa mga tao na pumunta sa headquarters ng ABS-CBN sa Quezon City.

Maja Salvador Nagsalita Na Tungkol Sa Hindi Pagbabalik Sa Ere ng ABS-CBN 2
Photo Credit: Maja Salvador

Ito ang mga sinabi niya sa mga nag nanais na ipasara ang network na kanyang kinabibilangan. Noong ika-12 ng Hulyo, pangalawang araw ng noise barrage ay pumunta siya upang makibaka.

Maja Salvador Nagsalita Na Tungkol Sa Hindi Pagbabalik Sa Ere ng ABS-CBN 3
Photo Credit: Maja Salvador

Kasama ang kanyang kasintahan na si Rambo Nunez, sila ay nagtirik ng kandila at nag-alay ng panalangin. Ang layunin ng noise barrage ay maging isang paraan ito upang mapakinggan ang kagustuhan nila na mabalik sa ere ang ABS-CBN.

Ang pagsasara

Matatandaan na noong ika-5 ng Mayo ay tumigil sa operasyon ang network bilang pagsunod sa cease and desist order galing sa National Telecommunications Commission (NTC). Matapos ang 12 na hearings sa Congress ay napagdesisyunan na hindi bigyan ng bagong prangkisa ang network.

Maja Salvador Nagsalita Na Tungkol Sa Hindi Pagbabalik Sa Ere ng ABS-CBN 4
Photo Credit: Maja Salvador

Ito ang isa pang tweet ni Maja, naglabas siya ng kanyang saloobin para sa mga taong naapektuhan ng pagsasara ng network, ang pagkawala ng mga Regional Network Group (RNG) sa mga probinsya at ang RM ay road manager. Ang hashtag ay tumutukoy sa 70 na mambabatas na bumoto ng “Yes” na nangangahulugan na pabor sa pagbasura ng aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa nito.

Iba pang nakikibaka

Maliban kay Maja Salvador, marami ring mga Kapamilya artists ang sumasama sa idinaraos na daily noise barrage. Ilan na rito ay sila Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Jake Cuenca, at si Angel Locsin. Ang ibang mga artista na hindi nakakapagdalo ay nagpapaabot ng dasal at suporta sa pamamagitan ng pag post sa social media.

Source: Pep.ph

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: