Manila, Philippines – Makikipagtulungan ang Makati City sa Philippine Red Cross para sa libreng COVID-19 mass testing sa kanilang lungsod.
Plano ni Mayor
Sa pahayag ni Makati Mayor Abby Binay, ang mass testing ay mag sisimula sa April 30 para sa nasa 2,000 na residente at frontliner.

Aniya, uunahin ang mga persons under monitoring (PUM) at mga frontliner para masuri sa virus.
“You have to remember the priority of DOH (Department of Health) are those who have symptoms. So we will be testing, on our part. We will be testing our frontliners who do not have symptoms. We need to make sure that they are not sick,” saad sa pahayag ni Binay.
Proteksyon sa frontliners
Dagdag pa ni Mayor Abby, importanteng masuri muna ang mga frontliners, dahil sila ang exposed at direktang nakakausap at salamuha ng mga pasyente na may Covid-19.

Ayon pa Kay Mayor, gagamitin ng siyudad ang polymerase chain reaction (PCR) dahil ito ay mass epektibo kumpara sa ginagamit ng iba na rapid test lamang.

Wika niya,
“the rapid test is not that conclusive. Even if you test positive, you will still have to do a PCR test. So it will cost you more because you now have to do two tests. You have to do the rapid test and the PCR test. And even if you are negative, you still have to do the quarantine, because it is possible that the antibodies have not developed fully and were not detected by the rapid test kits.”
Makati at ang Red Cross
Sinabi naman ni Mayor Abby na nakipag ugnayan at pirmado na ng dalawang laboratory kasama na ang Red Cross na planing magkaroon ng 2,000 mass testing sa April 30.

Sa kasalukuyan, pinapadala muna ang mga naku hang samples mula sa pasyente ng Makati sa Research Institute for Tropical Medicine in Muntinlupa at San Lazaro Hospital sa Manila.
Contact tracing sa Makati
Ayon pa kay Mayor, ginagamit ng ciudad ang plataporma para sa contract tracing at ma isolate na ang mga biktima na mayroong COVID-19 simtomas.

Ayon sa kanya,
“The nice thing about the platform that we were able to develop is that we can profile our PUIs and our positive patients. The platform allows them to identify the age group, location, and mode of transportation of persons suspected of having the disease.”
Dagdag pa ni Mayor Abby, siya ang sa sagot sa mga gastusin ng cremation ng mga residente na namatay mula sa coronavirus disease.
Sa kasalukuyan
Ayon pa kay Mayor, nakipag ugnayan na din siya sa WTA Architecture and Design Studio at sa iba pang mga pribadong kumpanya para sa konstruksyon ng tatlong emergency quarantine facilities para sa pasyente ng COVID-19.

Ang Makati City ay may naitala ng 199 confirmed cases ng COVID-19, 510 persons under investigation (PUI), 407 persons under monitoring (PUM), 21 ang namatay.
Samantala, 30 na pasyente naman ang naka rekober na at nagpa pa galing na mula sa COVID-19.
Source: INQUIRER.NET
Be First to Comment