Press "Enter" to skip to content

Make Up No More: Ara Mina, Nag Donate Ng Sako-sakong Bigas Sa Mga Lugar Na Pinaka Apektado Ng COVID-19

Nag donate ang aktres na si Ara Mina ng truck-truck na sako ng bigas sa mga lugar sa bansa na lubos na apektado ng COVID-19. Kabilang sa lugar na nabiyayaan ay ang Laguna, Rizal, Pampanga, Quezon City, at Caloocan.

Walang pagod sa pagtulong

Tila hindi napapagod tumulong ng aktres na si Ara Mina sa mga kababayan natin na lubos na naghihirap ngayon dahil sa COVID-19. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang mga litrato ng mga napakaraming sako ng bigas na idinodonate niya sa mga nasabing lugar.

Make Up No More: Ara Mina, Nag Donate Ng Sako-sakong Bigas Sa Mga Lugar Na Pinaka Apektado Ng COVID-19 2

Sa ikaapat na linggo ng Enhanced Community Quarantine, patuloy ang aktres sa pamamahagi ng tulong. Nagpapasalamat ang aktres sa mga taong nag-volunteer na tumulong sa pamamahagi ng nasabing ayuda.

Pasasalamat

Hindi rin siya nakalimot na pasalamatan ang mga namumuno sa mga lokal na pamahalaan na buong pusong tumanggap ng kanyang tulong. Dasal ng aktres na ang kanyang munting tulong ay malayo sana ang marating.

Ayon sa caption niya, “On the 4TH week of ECQ our #TEAMDARVE donated a truckload of rice to those severely affected by the pandemic in the province of LAGUNA, QC, RIZAL, CALOOCAN and ANGELES PAMPANGA. . Ang munting tulong na ito ng aming #TEAMDARVE ay sana malayo ang marating.???????? . Salamat sa lahat ng LGU’S at volunteers na tumulong sa pamamahagi ng aming nakayanan. . Kaya natin ito! Tulong-tulong tayo! . #Bayanihan #AraMina #AraCares #GoodwillHeartFoundation @goodwillheart_foundation”

Make up no more

Kamakailan lang, dinumog ng mga basher si Ara Mina dahil sa inisyatiba nitong mag donate sa mga frontliners ng kanyang mga make up. Anila, hindi iyon ang mga kailangan ng mga frontliners ngayon at huwag i-promote ang kanyang make-up brand sa pamamagitan ng pag dodonate nito.

Ilan sa mga frontliners ay tinanggihan din ang kanyang inaalok na tulong. Paliwanag naman ng aktres, ito hindi uri ng pag popromote kundi munting pasasalamat sa mga kababaihang frontliners na halos hindi na maasikaso ang sarili dahil sa pagsusumikap na labanan ang nakamamatay na virus.

Ang mga ito rin umano ay isa lamang sa mga bagay na naidonate na niya sa ating mga kababayan. Ang patuloy na pagtulong ng aktres ay patunay ng kanyang kabutihang loob. Sa gitna ng panlalait, hindi natinag ang aktres sa pagbibigay ng tulong.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: