Press "Enter" to skip to content

Mala Martial Law Na Pag Aresto Ng PNP, Sinimulan Na

Nagsimula na ang Philippine National Police ng mala martial law na paghuli sa mga taong lalabag sa ipinapatupad na mga alituntunin ng Enhance Community Quarintine. Ito ay alin sunod sa ipinag uutos ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Martial law-type na pamamaraan

Sinabi ng PNP nitong Lunes na hindi na nito bababalaan at direktang arestuhin ang mga mamamayan na lumalabag sa mga hakbang sa quarantine. At dapat ng ipatupad ng gobyerno ang isang “martial law-type” na pamamaraan.

Mala Martial Law Na Pag Aresto Ng PNP, Sinimulan Na 2
Saksi Ngayon

Kinumpirma ng militar noong Linggo ang isang leaked internal memo na nagdidirekta sa Philippine Air Force. Ito ay upang maghanda ang pulisya sa militar matapos ng pagpapahayag ni Pangulong Duterte ng “martial law-type” na pagpapatupad ng mga hakbang sa quarantine.

Ang pag aresto

Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Gamboa sa radyo DZMM, ang gusto ng pangulo ay kapag sinabing martial law ay dapat na bigyang-diin na talagang gagawa sila ng ilang pag-aresto.

Mala Martial Law Na Pag Aresto Ng PNP, Sinimulan Na 3
Radyo Inquirer

Ayon kay Gamboa, siguro dapat magpakita ang publiko na magbehave sila para hindi ito matuloy. Kung ito ay matutuloyito ay magiging full implementation ng law. Wala na silang warning at diretso na sila sa pag aresto.

Pagbibigay ng babala

Sinabi pa nito na nagbigay na ng mga babala ang mga awtoridad sa humigit kumulang na 96,000 sa 130,000 na unang mga naaresto. Ito ay dahil sa paglabag nila sa quarantine.

Mala Martial Law Na Pag Aresto Ng PNP, Sinimulan Na 4
ABS-CBN News

Ang mga una nilang naaresto dahil sa paglabag ay pinarusahan nila at pinauwi. Ito ay upang hindi tumambak ang mga lumalabag sa detainment facilities.

Ang Paghahanda

Gayunman, sinabi ng hepe ng PNP na sinabihan niya ang hepe ng Metro Manila Police na si Brig. Gen. Debold Sinas. Ito ay upang maghanda ng mga pasilidad para sa mga maaaresto sa “martial law type” na pagpapatupad ng mga hakbang sa qurantine na iniutos ng Pangulo.

Mala Martial Law Na Pag Aresto Ng PNP, Sinimulan Na 5
Inquirer news

Kinilala din ng PNP ang mga lugar sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon na nangangailangan ng karagdagang mga tauhan sa oras ng pag papatupad nito.

Source: Facebook

One Comment

  1. Ma Cristine Falndez Ma Cristine Falndez April 20, 2020

    Paano mag apply? At magkano ang pwede e apply?

Leave a Reply

%d bloggers like this: