Press "Enter" to skip to content

Mala-Power Rangers Na Kuha Ng #FrontlinersPH Suot Ang Ibinigay Na PPE Sakanila, Kinagiliwan 

Last updated on April 1, 2020

Kinagiliwan ng mga netizens ang mga litrato ng mga medical #FrontlinersPH sa isang ospital. Ito ay dahil sa mala power ranger nilang suot. Ang mga suot nilang ito ay tinawag na “bunny suit” at sinabi pa ng may kuha na ito ay “the most ideal PPE’S”. Makulay na kasuotan hatid ay tunay na pag asa na malalagpasan ang kinakaharap na kalaban. 

Totoong power

Ang mga medical frontliners na ito ay mula sa isang mga ospital ng Pilipinas na dedicated sa pagtulong sa pag gamot sa mga pasyenteng may Covid19. Ang kanilang suot na PPE, o Personal Protective Equipment na may iba’t ibang kulay ay parang mga karakter ng isang power ranger. 

Mala-Power Rangers Na Kuha Ng #FrontlinersPH Suot Ang Ibinigay Na PPE Sakanila, Kinagiliwan  2
Mala-Power Rangers Na Kuha Ng #FrontlinersPH Suot Ang Ibinigay Na PPE Sakanila, Kinagiliwan  3

Ang mga litrato ay mula kay Bb. Melissa Yeung Yap na isang miyembro ng organisasyon na ang layunin ay tumulong at kumalap ng mga donasyon. Ito ay ibibigay para sa mga ospital na kailangan ngayon sa pag sugpo ng virus.

Power Rangers attack! Ang peg ng mga frontliners na ito na maituturing ngang isang mga hero sa pa tulong sa pagpuksa ng virus. 

Good vibes lang

Ang mga litrato na ito ng mga frontliners ay nagbigay ng inspirasyon at good vibes sa karamihan. Sa kabila ng nakakapagod at na kaka-stress na sitwasyon ay nagawa pa rin nilang ngumiti at makapag patawa ng mga nitezen. Makikita sa mga litrato na proud na talaga sila sa kanilang mga suot.

Mala-Power Rangers Na Kuha Ng #FrontlinersPH Suot Ang Ibinigay Na PPE Sakanila, Kinagiliwan  4
Mala-Power Rangers Na Kuha Ng #FrontlinersPH Suot Ang Ibinigay Na PPE Sakanila, Kinagiliwan  5

Lubos naman ang pasasalamat ng kumuha ng mga litrato na si Ms. Yap, sa mga nagbigay ng kanilang mga donasyon at nanawagan sa mga nais pang mag pa abot ng tulong ay maari silang makipag ugnayan sa kanya at sa KATINKO team sa mga nais pang magpa abot ng kanilang tulong. 

Sa ngayon kailangan na kailangan ng ating mga bayaning frontliners ng mga protective equipment na protekyon nila sa kanilang pag sugpo laban sa virus.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: