Press "Enter" to skip to content

Malacañang: 700M Alahas Ni Imelda Marcos, Ibebenta Para Dagdag Pondo Sa Covid-19

Manila, Philippines – Sinabi ng Malacañang na kinokonsidera nitong ibenta ang may P700 milyong halaga ng mga alahas ng unang Ginang Imelda Marcos para pandagdag pondo ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

Planong pag benta

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi pa man nangyayari ang COVID-19 crisis ay plano nang isubasta ang ilang koleksyon ng mga gem ni Marcos, na bahagi ng ill-gotten wealth ng kanilang pamilya.

Mayo 2019 pa aniya ay awtorisado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang public auction ng mga alahas ni Marcos na nasa P700 milyon ang halaga.

Malacañang: 700M Alahas Ni Imelda Marcos, Ibebenta Para Dagdag Pondo Sa Covid-19 2
Source: ABS-CBN

Kasalukuyan aniyang nasa Bangko Sentral ng Pilipinas ang “Hawaii Collection” ni Marcos na kinabibilangan ng Cartier diamond tiara at isang 25-carat “extremely rare” pink diamond.

Ang nasabing “Hawaii Collection” ay mayroong 300 piraso ng iba’t-ibang alahas. Dagdag pa dito, isa lamang ito sa tatlong jewelry collection ng dating unang ginang Marcos.

Pondo para sa COVID-19

Sa nakaraang pahayag ng Presidente Rodrigo Roa Duterte, sinabi niya na bukas para ibenta ang mga pag-sari ng gobyerno kabilang na dito ang Philippine International Convention Center (PICC), The Cultural Center of the Philippines (CCP) at iba pang ari-arian na nasa Roxas Boulevard para pondohan ang pangangailangan ng gobyerno sa pag tugon sa Covid-19.

Malacañang: 700M Alahas Ni Imelda Marcos, Ibebenta Para Dagdag Pondo Sa Covid-19 3
.The Guardian

Ito ay matapos na mag resulta sa nasabing lockdown na nag iiwan ng milyon-milyong pamilya ang hindi makaalis ng bahay para mag hanapbuhay at sa ngayon ay umaasa sa tulong na natatanggap mula DSWD.

Malacañang: 700M Alahas Ni Imelda Marcos, Ibebenta Para Dagdag Pondo Sa Covid-19 4
Source: Philippine Star

Dagdag pa ni Roque,

“this gesture only showed that the President was giving primary importance to the health of the people.”

Sinabi pa niya,

“the people’s health is important to him, so if he needs to sell the infrastructure, he will use the proceeds to take care of the people’s health.”

Panawagan ni Marcos

Samantala, na dismissed naman ang proposal na isinumite ni Senador Imelda Marcos sa gobyerno para sa temporarily suspension of payment sa mga nagpapahiram na dayuhan. Ito ay para magamit ang pondo na ipambabayad sana para sa mga nangangailangang mamayan na biktima ng Covid-19.

Malacañang: 700M Alahas Ni Imelda Marcos, Ibebenta Para Dagdag Pondo Sa Covid-19 5
Source: CNN

Ngunit, ang nasabing proposal ay una ng tinanggihan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Malaking balik

Ayon kay Roque, hindi ang proposal ni Marcos ang maaaring maging Solusyon ng gobyerno dahil malaki ang balik na singil nito ng utang kapag hindi makabayad.

Sabi pa ni Roque,

“It will be bloodier for us if all our decide to make us all pay back the debts at the same time.”

Malacañang: 700M Alahas Ni Imelda Marcos, Ibebenta Para Dagdag Pondo Sa Covid-19 6
Source: Philstar

Tiniyak naman ni Roque na meron ng sapat na pondo ang gobyerno at Wala ng dahilan para itigil ang pag bayad ng utang sa mga dayuhan.

At kung kulang pa din daw ang pondo sa mga susunod na araw, Ibebenta daw ng ang lahat ng pag mamay-ari ng gobyerno bago pa ito pumalya.

Source: DZGB News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: