Press "Enter" to skip to content

Malacañang, Hindi Sagot Ang Covid-19 Mass Testing Ng Pribadong Sektor At Empleyado Ng Gobyerno

Manila, Philippines – Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Lunes na hindi sasagutin ng pamahalaan ang anumang gastos para sa mass testing ng COVID-19, kung saan ang mga pribadon o empleyado ng gobyerno ang mabebenipisyuhan sa gitna ng pagluwag ng quarantine measures.

‘Fake News’

May mga naglutangan kasing usap-usapin na magsagawa ng mass testing para sa mga empleyado ng pamahalaan.
Ngunit ito ay taliwas naman sa sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi na kailangan ng mga manggagawa na sumailalim sa COVID-19 test maliban na lamang kapag nagpakita ito ng mga sintomas ng COVID-19.

Ani Ni Roque,

“In an ideal world, dapat lahat ng tao, ma-test [for COVID-19]. Pero ang RT-PCR (Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction) testing laboratories natin ay 30 pa lang. Eh dapat, di bababa sa 90. Nagkakaubusan rin ng rapid test kits.”

Malacañang, Hindi Sagot Ang Covid-19 Mass Testing Ng Pribadong Sektor At Empleyado Ng Gobyerno 2
Photo credits: GMA Network

Dagdag pa ni Roque,

“Alam ko ito for a fact. Sa China, hindi na rin sila naglalabas ng rapid test kits kasi sa Wuhan, 11 milion ang gusto nilang i test. Ang US naman po, binibili lahat ng test kits na available. Kaya pahirapan po talaga kaya po private sector na ang bahala bumili para sa mga empleyado.”

Prayoridad

Samantala, isinusulong ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na gawing prayoridad sa mass testing para sa COVID-19 ang mga empleyado. Ito ay para mas marami nang makabalik na empleyado sa kani-kanilang trabaho.

Ayon naman kay Sergio Ortis-Luis, ang Presidente ng ECOP, marami pa rin kasing kumpanya ang nagdadalawang isip na magbukas dahil sa takot sa banta ng COVID-19.

Malacañang, Hindi Sagot Ang Covid-19 Mass Testing Ng Pribadong Sektor At Empleyado Ng Gobyerno 3
Photo credits: GMA Network

Ani pa ni Luis, ang mass testing ang makapag bibigay ng kapanatagan sa mga kumpanya maging sa mga empleyado para unti-unting makabalik sa normal ang kabuhayan ng mga empleyado at ang takbo ng operasyon ng maraming negosyo sa bansa.

Protocol sa kumpanya

Ngunit ayon naman kay Presidential Adviser Joey Concepcion, kailangan na ma-covid19 test ang mga empleyado.

Ani niya

“It is the only way you can open the economy without the fear of resurgence of the COVID19 virus.”

Malacañang, Hindi Sagot Ang Covid-19 Mass Testing Ng Pribadong Sektor At Empleyado Ng Gobyerno 4
Photo credits: Rappler

Sa ilalim naman ng protocol ng Department of Health (DOH), ang COVID-19 test ay para lamang sa mga symptomatic na tao.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: