Press "Enter" to skip to content

Malacañang: Lockdown, Extended Ulit Hanggang May 15 Sa Mga Piling Rehiyon

April 24- Idineklara ni Pangulong Duterte ang desisyon tungkol sa pag extend ng lockdown. Narito ang mga lugar na kabilang; Metro Manila, Central Luzon (Region III), Calabarzon (Region IV-A). Mayroon din ibang bahagi ng mga probinsya na nakasama at ilang mga isla ng Luzon na kabilang sa nasabing extension na aabot pa hanggang Mayo 15.

Desisyon

Ang mga desisyong ito ng government taskforce’s ay inihayag ni Spokesperson Harry Roque ng live sa telebisyon mula sa Malacañang.

Lockdown,Extended Hanggang May 15
Rappler

At ito ay magsisimula pag dating ng Mayo 1, kung saan ang mga lugar ng NCR, Region III, Region VI-A, at iba pa kung saan mayroon pa ding mataas na bilang ng COVID19 ay isasama sa nasabing lockdown.

Mga lugar na extended ang lockdown

Narito ang ilan pang listahan ng mga kasama sa nasabing extension, Metro Manila; Benguet, Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Quezon, at Albay.

Kabilang din ang Island of Mindoro(Oriental Mindoro and Occidental Mindoro) at Catanduanes. Sa Visayas naman kabilang ang Antique, Iloilo,Cebu City. Para naman sa Mindanao, Davao del Norte, Davao de Oro (formerly Compostela Valley) at Davao City.

Extension

Ang ilan sa mga nabanggit na lugar na mayroong bilang ng mga infected, ay maaring hindi na maisama sa extension. Kaya ang ilan dito ay kailangan pang suriing muli hanggang sa bago magtapos ang buwang ito.

Kaugnay dito, mayroong mga bagong hakbang na naging rekomendasyon ang ilan sa mga kawani ng gobyerno kay Pangulong Duterte, tungkol pa din sa COVID19. Ito ay mula sa kanilang pagpupulong noong huwebes at lahat ng naging rekomendasyon ay kaniyang inaprubahan ayon kay Roque

General Community Quarantine

Samantala sa mga hindi nabanggit na lugar na kabilang sa extensyon ay siya namang mapapabilang sa sinasabing “General Community Quarantine”. Kung saan ang ibang sektor ay maari ng magbalik trabaho, ngunit mahigpit pa din ipapatupad ang ilang mga alintutunin gaya ng “social distancing at pagsusuot ng mask”.

Mayroon pa ding mga taong lilimatahan sa paglabas ng bahay, gaya na lamang ng mga buntis at mga senior citizen na maaring mas mabilis makakasagap ng impeksiyon mula sa virus.

Sa makatuwid ang naging desisyon ng Pangulo tungkol sa ginagawang community quarantine para sa COVID19, ay ipagpapatuloy ito at aabot pa sa hanggang Mayo 15.

Source: Rappler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: