Press "Enter" to skip to content

Malacañang, Natanggap Na Ang Kopya Ng Anti-Terrorism Bill Na Nilagdaan Ni Sotto At Cayetano

Manila, Philippines – Natanggap na ng Malakanyang ang kopya ng anti-terrorism bill at nakatakda na itong desisyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nasa kamay na ng Pangulo

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque. Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na may 30 araw ang Pangulo para aksyunan ang nasabing batas o hayaan na lamang itong ‘mag-lapse into a law.’

Malacañang, Natanggap Na Ang Kopya Ng Anti-Terrorism Bill Na Nilagdaan Ni Sotto At Cayetano 2
Photo Credits: PNA Gov PH

Ayon kay Roque,

“We have a 30-day period to review, either to veto or to sign the bill. Otherwise, kung wala pong aksyon ang Presidente, it will become law.”

Dagdag pa niya, gugugulin ni Pangulong Duterte ang mga susunod na araw sa pagta-trabaho sa Davao City.

Rekomendasyon na pag revise

Sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hihintayin pa muna ni Pangulong Duterte na rebisahin ng kanyang departamento ang nasabing batas. Target ng DoJ na maisumite ang komento nito sa loob ng 15 araw.

Malacañang, Natanggap Na Ang Kopya Ng Anti-Terrorism Bill Na Nilagdaan Ni Sotto At Cayetano 3
Photo Credits: Eagle News

Samantala, tiniyak naman ni Sec. Roque sa mga kritiko at detractors ng anti-terrorism bill na babantayan nito ang human rights abuses.

Ayon kay Spox,

“There are safeguards po. Unang-una, kinakailangan po may judicial declaration to be classified as a terrorist group.”

Dagdag pa niya, mahaharap sa pagkabilanggo ng hanggang 10 taon ang mga law enforcement authorities na aabuso sa nasabing batas.

Huling desisyon

Sa ulat, naipadala na sa Malakanyang ang anti-terror bill para sa lagda ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Malacañang, Natanggap Na Ang Kopya Ng Anti-Terrorism Bill Na Nilagdaan Ni Sotto At Cayetano 4
Photo Credits: PNA Gov PH

Ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, kagabi lamang nila ito nilagdaan ni House Speaker Alan Peter Cayetano. Hindi na dumaan sa bicameral conference committee ang anti-terror bill dahil ang bersyon na rin ng senado ang ipinasa ng mababang kapulungan.

Malacañang, Natanggap Na Ang Kopya Ng Anti-Terrorism Bill Na Nilagdaan Ni Sotto At Cayetano 5
Photo Credits: Manila Bulletin

Una rito, kabi-kabilang kampanya at demonstrasyon ang isinagawa ng mga aktibista bilang pagtutol sa anti-terrorism bill na anila’y may mga probisyon na posibleng makalabag sa karapatang pantao. Bagamat sinertipikahang urgent ang anti-terrorism bill, sinabi ng Malakanyang na isasalang muna ito sa review ni Pangulong Duterte.

Source: News5

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: