Press "Enter" to skip to content

Malacañang Palace: Hindi Ginagamit Ng China Ang COVID-19 Para Mag-Take Advantage Sa Pinas

Pinabulaan ng Malacañang ang isyu na nagsasabing  ginagamit raw ng Beijing ang global pandemic ngayon upang maitago ang kanilang planong kunin ang Spratly Islands.

Mensahe galing Malacañang

Ito ang sagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque kay retired senior associate justice Antonio Carpio sa isang press briefing nitong Martes.

Malacañang Palace: Hindi Ginagamit Ng China Ang COVID-19 Para Mag-Take Advantage Sa Pinas 2
Photo credit: Wikipedia

Hindi raw ginagamit ng China ang virus upang malingay ang ating atensyon at mapatuloy nila ang pagkuha sa isla. Dagdag din niya, patuloy pa rin ang pagdedepensya ng gobyerno sa ating nararapat na parte sa South China Sea.

“We do not agree with that conclusion. Although the current policy is we will defend all our national territory and our sovereign rights,” aniya.

Pagsangayon ng diplomat

Maging si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ay nagsalita na rin hinggil sa isyu. Sa kanyang Twitter account, sinabi pa niyang nakatulong ang China sa pagbibigay sa atin ng medical supplies.

Malacañang Palace: Hindi Ginagamit Ng China Ang COVID-19 Para Mag-Take Advantage Sa Pinas 3
Photo credit: Rappler

“Leave the Chinese embassy in Manila alone. It never made a connection between medical help and legal claim,” sabi ni Locsin sa tweet.

“China’s anti-COVID assistance has been impeccable and cannot be accused of being covert. Covid/covert. Get the play on words?” dagdag pa niya.

Pagkabahala

Marami pa rin ang nababahala dahil ang kanilang mga statements ay hindi laging natutugma sa mga pangyayari ngayon.

Malacañang Palace: Hindi Ginagamit Ng China Ang COVID-19 Para Mag-Take Advantage Sa Pinas 4
Photo credit: Wikimedia Commons

Tulad noong nangyari sa Philippine Navy ship na tinutukan ng radar gun ng China at ang kanilang pagdeklara na ang ating teritoryo ay umano’y parte ng Hainan province.

Dagdag pa rito ang pag-report ng pagtukod ng Chinese research stations sa Fiery Cross (Kagitingan) at Subi Reefs ng Spratly Islands na mga teritoryo ng Pilipinas. 

Mutual support

Maalalang sinabi ni Chinese Ambassador Huang Xilian na ang  China at Pilipinas ay nagbibigay suporta sa isa’t-isa upang malabanan ang mga problemang hatid ng COVID.

Malacañang Palace: Hindi Ginagamit Ng China Ang COVID-19 Para Mag-Take Advantage Sa Pinas 5
Photo credit: ABS-CBN News

“We will continue to help and support each other in the fight against COVID-19 so as to establish a solid partnership of mutual support between China and the Philippines,” aniya. 

Ngunit wala siyang nabanggit ang ukol mga bagong struktura na ipinatayo nila sa nasabing isla.

Source: PhilStar

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: