Press "Enter" to skip to content

Malacañang: POGO, Malayang Makakalayas Sa Bansa Kapag Di Nag Bayad Ng Buwis

Malacañang, Philippines – Nitong Lunes, sinabi ni Spokesperson Harry Roque na malayang umalis ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na hindi magbabayad ng buwis sa gobyerno.

Pahayag

Sa televise briefing, kaniyang hinayag ang isyu kasunod ng pagkumpirma ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na nitong Linggo ay dalawang POGO firms ang lumayas na sa bansa sa gitna ng tax issues.

Malacañang: POGO, Malayang Makakalayas Sa Bansa Kapag Di Nag Bayad Ng Buwis 2

Ani ni Roque,

“We need them because we need the revenues but unless they pay up, goodbye.”

Pagkawala ng trabaho ng Pinoy

Samantala, nag bigay babala naman ang PAGCOR Chairperson and Chief Executive Officer na si Andrea Domingo sa posibleng pag-pullout ng POGO firms ay magdudulot ng malaking epekto sa trabaho ng 30,000 na mga Pilipino.

Malacañang: POGO, Malayang Makakalayas Sa Bansa Kapag Di Nag Bayad Ng Buwis 3
Photo Source: Nonie Reyes

Ngunit ayon naman sa labor committee chairperson na si Joel Villanueva, kaniyang sinabi na ang pag alis ng POGO sa bansa ay hindi kawalan at pagka lugi ng ekonomiya.

Ani niya,

“The failure of POGOs to adhere to our laws resulted in their exit. This is what happened, plain and simple.”

Kaso ng POGO

Batay naman sa sinabi ng Department of Finance, nag bigay babala sila na ipapa-sara ang mga POGO na may problema sa pag ba bayad ng buwis. Sa katunayan, kaniyang Ikinwento na may hindi pa nakokolektang withholding income taxes na aabot sa P21.62 bilyong piso.

Matatandaan na bahagyang ibinalik ang negosyo ng POGO nitong nakaraang Mayo ngunit kailangan nilang mag bayad ng kanilang mga unpaid taxes sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at sundin ang mga safety protocol para makaiwas ang lahat ng mga empleyado nito sa pag laganap ng nakamamatay na COVID-19.

Source: MSN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: