Press "Enter" to skip to content

Malawakang Declogging Sa Drainage Ng Manila North Road, Isinagawa Ng DPWH

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) regional office ng Region 3 ay nagsasagawa ng malawakang declogging at cleaning operations ng heavily silted drainage systems sa Manila North Road (MacArthur Highway) sa lalawigan ng Pampanga. Ito’y bilang paghahanda sa mabibigat na pag-ulan ngayong panahon ng tag-ulan.

Pagsasagawa ng operasyon

Nauna nang inutusan ni DPWH Region III Director Roseller A. Tolentino si District Engineer Almer C. Miranda na i-full blast ang paglilinis at clearing operations dahil alam ng ahensya ang problema sa pagbaha sa kahabaan ng 33-kilometrong highway ng Manila North Road mula sa mga boundaries nito mula Bulacan hanggang Angeles City.

Malawakang Declogging Sa Drainage Ng Manila North Road, Isinagawa Ng DPWH 2
Photo Source: Sunstar

Sabi ni Tolentino sa isang pahayag nitong Lunes, Agosto 17,

“Our district offices through their maintenance teams have been constantly doing cleaning and desludging works as part of their routine maintenance activities prior to the start of the rainy season. This is in order to preempt the flooding along our major thoroughfares.”

(Ang aming mga tanggapan ng distrito sa pamamagitan ng kanilang maintenance teams ay patuloy na gumagawa ng paglilinis at desludging bilang bahagi ng kanilang mga maintenance activities bago magsimula ang tag-ulan. Ito ay upang masugpo ang pagbaha sa kahabaan ng ating mga pangunahing daanan.)

Pagsasanib puwersa sa paglilinis

Ang maintenance teams ng DPWH-Pampanga 1st District Engineering Office at ang City Engineers Office ng San Fernando ay nagsanib puwersa sa pagkuha ng maraming putik at basura mula sa baradong water drains sa kahabaan ng Barangay Maimpis patungo sa Dolores junction.

Nasabi na ang ahensya ay nakipagtulungan sa City of San Fernando Engineering Office at sa Non-Government Organizations (NGOs) sa Pampanga para sa paglinis ng mga baradong drains sa kahabaan ng Manila North Road.

Pagkadismaya ng mga opisyal

Ang mga opisyal ng DPWH ay nalungkot sa kawalang disiplinang pagtatapon ng basura, lalo na ang mga plastik na alam ng lahat ay non-biodegradable.

Malawakang Declogging Sa Drainage Ng Manila North Road, Isinagawa Ng DPWH 4
Photo Source: PressReader

Sabi ni Miranda,

“We are disappointed with the large volume of garbage that we deal with every time we undertake clearing of our drainage systems. While we, in government, are always at the receiving end of public condemnation for alleged inefficiency in the implementation of our flood control and management measures, we overlook the fact that flood prevention is a two-way effort – it’s not the agency which clogs these structures. Obviously, we need the discipline of the road users.”

(Kami ay dismayado sa malaking dami ng basura na hinaharap namin sa tuwing nagsasagawa kami ng paglinis ng ating drainage systems. Habang kami, sa gobyerno, ay laging tumatanggap ng pagkondena ng publiko dahil sa sinasabing kawalan ng kakayahan sa pagpapatupad ng aming flood control at management measures, hindi namin napapansin ang katotohanan na ang pag-iwas sa baha ay isang two-way effort – hindi ito ang ahensya na nag-clog sa istruktura. Malinaw na kailangan natin ang disiplina ng mga gumagamit ng kalsada,)

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: