Press "Enter" to skip to content

Mali-Maling Module Ng DepEd, Nag Trending Online. Mga Magulang Ng Estudyante, Umaalma

Manila, Philippines – kumakalat ngayon sa social media ang mali-maling modules ng mga estudyante sa kanilang blended learning. Kaya naman maraming magulang ang umaalma dahil nagbibigay ito ng kalituhan sa kanilang mga anak.

Mali-maling module

Mapapakamot ka na lang ng ulo sa mali-maling modules na kumakalat sa social media. Kagaya na lamang ng nag trending na litrato ng module ng mga krayola kung saan ito ay naka-print ng black and white na sa halip sana ay colored ang mga ito upang ma-identify ng mga estudyante ang tamang sagot.

Mali-Maling Module Ng DepEd, Nag Trending Online. Mga Magulang Ng Estudyante, Umaalma 2

Bukod pa dito, lalong nalito ang marami sa isang module na may guhit na eroplano gayong ang mga pagpipiliang sagot sa tanong ay hindi naman angkop sa larawan.

Mali-Maling Module Ng DepEd, Nag Trending Online. Mga Magulang Ng Estudyante, Umaalma 3

O di kaya naman, aabutin na ng siyam-siyam ang mga estudyante sa kaka hanap ng sagot sa tamang pag guhit ng mga bituin.

Mali-Maling Module Ng DepEd, Nag Trending Online. Mga Magulang Ng Estudyante, Umaalma 4

Dagdag pa dito ang writing activity na kung saan kailangan hanapin ang salitang L gayong naka guhit naman ay ang larawan ng Rabbit. Gayundin ang letrang O na may naka drawing na owl ngunit may nakalagay sa ilalim na ostrich.

Mali-Maling Module Ng DepEd, Nag Trending Online. Mga Magulang Ng Estudyante, Umaalma 5

Ilan lamang ito sa mga nakalusot na modules ng DepEd na ipinamahagi sa mga mag-aaral para sa kanilang blended learning.

Anti-administrasyon

Ngunit ang pumukaw sa mata ng mga netizens ay ang tanong sa ibinigay na module sa mag-aaral kung saan ito ay konektado sa pang kasalukuyang administrasyon.

Ayon sa ibinigay na tanong sa module, may nakasulat na:

“5. Bakit kailangan sumunod sa pamahalaan sa panahon ng krisis?

a. Nakakatakot ang Pangulo.

b. Upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon.

c. Maraming sundalo at pulis sa paligid.

d. Para mabigyan ng relief goods at pagkain.”

Mali-Maling Module Ng DepEd, Nag Trending Online. Mga Magulang Ng Estudyante, Umaalma 6

Kapansin-pansin kasi sa nasabing module ang tanong kung saan nagpapahiwatig ito ng pagka-galit sa kasalukuyang administrasyon at maaring magbigay ng ibang kahulugan sa mga mag-aaral.

Sagot ng Dep-Ed

Ngunit ayon naman sa inilabas na panayam ng tagapag salita ng Dep-Ed na si Usec Diosdado Santos, kaniyang sinabi na hindi pa nila makumpirma kung sa kanila nga ba galing ang mga mali-maling modules na kumakalat online.

Ani niya,

“Kasi ang lahat ng mga pinopost sa social media, ang perception ng tao, kasalanan ni DepEd. But may na-identify na ibang module na hindi naman samin galing.”

Mali-Maling Module Ng DepEd, Nag Trending Online. Mga Magulang Ng Estudyante, Umaalma 7

Ngunit gayunpaman ay humihingi pa rin sila ng paumanhin dahil lumusot parin ito sa kanilang quality assurance protocol kung saan kinakailangan masigurado na tama nga ang mga ipinalabas at ibinibigay na mga modules para sa mga estudyante.

Mali-Maling Module Ng DepEd, Nag Trending Online. Mga Magulang Ng Estudyante, Umaalma 8

Sa ngayon, ay pinapaimbestigahan na ng DepEd ang naturang mga modules na kumakalat online at nagbibigay ng maling impormasyon sa bawat mag-aaral.

Source: Adventures Of Mang Boy And Aling Baby

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: