Press "Enter" to skip to content

“Maling tiyempo” – Ani Ni Robredo Ukol Sa Pagpapalit Ng Pangalan ng NAIA

Manila, Philippines – Binatikos kamakailan ni VP Leni Robredo ang House Bill No. 703 kung saan ipinapatupad ang pagpapalit ng Ninoy Aquino International Airport sa bago nitong pangalan. Ayon kay Robredo ay hindi naa-ayon at wala sa tamang panahon.

Panukala

Ipinasa umano nila Davao City 1st District Representative Paolo Duterte ang panukala upang palitan ang pangalang NAIA sa Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas. Kasamang sumuporta umano sa panukalang ito sina Marinduque Representative Lord Allan Velasco, at ACT-CIS Representative Eric Yap noong Huwebes, Hunyo 25.

“Maling tiyempo” - Ani Ni Robredo Ukol Sa Pagpapalit Ng Pangalan ng NAIA 2
Photo Credit: CNN Philippines

Noong Huwebes ding iyon ay inanunsiyo ng DOH na ang mga kaso ng COVID-19 ay tumataas at nasa 33,069 na at Sa kasalukuyan ay patuloy pa umanong nadadagdagan ang datos na ito.

Timing

Sinasabi ni Robredo na wala sa tamang panahon upang pagdiskusyonan ang ganitong klaseng panukala. Mas madami pa ang mas importanteng bagay at dapat pagtuunan ng pansin lalo na at nasa gitna pa tayo ng pandemya.

“Maling tiyempo” - Ani Ni Robredo Ukol Sa Pagpapalit Ng Pangalan ng NAIA 3
Photo Credit: ABS-CBN News

Ani niya,

Nasa gitna tayo ng pandemya, ito pa talaga ang maiisip natin?“

Napatawa pa umano si Robredo sa ideyang “PaPa P“ ang maging tawag dito na inuugnay kay Piolo Pascual na isang aktor. Sinasabi din ni Robredo na magtulong-tulong nalang tayo para masugpo ang pandemya at hindi ang pagpa-palit ng pangalan sa nasabing paliraparan.

Kasaysayan

Sinabi rin umano ni Robredo na bakit natin papalitan ang pangalan ng paliparan na may kaugnayan sa kasaysayan ng Pilipinas. Ipinagalan kay Benigno “Ninoy” Aquino Jr., ang paliparang ito ng siya ay binaril sa Tarmac ng paliparan noong 1983.

“Maling tiyempo” - Ani Ni Robredo Ukol Sa Pagpapalit Ng Pangalan ng NAIA 4
Photo Credit: Rappler

Dagdag niya,

“Number two, alam naman natin why it was named Ninoy Aquino International Airport. So ‘yung tanong: Where is our sense of history?

Ang pagkamatay ni Aquino ang siyang nag-udyok para sa sambayanang Pilipino para patalsikin ang noong Presidente Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng EDSA People Power Revolution noong February 25, 1986. Ang diktador ay pinalitan ng asawa ni Aquino at ipinasa ang panukalang palitan ang Manila International Airport sa NAIA.

Tunghayan ang buong kwento sa Rappler

https://www.rappler.com/nation/264902-robredo-hits-ill-timed-proposal-rename-naia?utm_source=facebook&utm_medium=social&utm_campaign=nation

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: