Press "Enter" to skip to content

Management Ni Xander Ford Ginamit At Pinagkakitaan Pa Ang Pagkakakulong Nito?

Kinumpirma ang pagka-aresto kay Xander Ford sa isang Facebook live ng kaniyang talent management na Star Image Artist Management nitong Martes ng gabi. Ang nasabing video ay nagviral at umani ng libo-libong likes, comments, at shares.

Live video

Inaresto nito lamang Martes ang isang internet sensation at dating Hasht5 member na si Xander Ford. Nakakulong siya umano sa isang presinto sa Tondo, Maynila sa bisa ng arrest warrant mula sa kasong isinampa ng kaniyang dating nobya.

Management Ni Xander Ford Ginamit At Pinagkakitaan Pa Ang Pagkakakulong Nito? 2
Photo Credits: Star Image Artist Management

Ibinahagi ito ng Star Image Artist Management, talent management ni Xander, sa kanilang Facebook page na may caption na magda-direct sa kanilang YouTube channel.

Dahil sa posibleng hakot ng maraming views, ani ng mga netizen ay ginamit ang pagkaaresto ng talent management para makahakot ng viewers at kumita mula sa ads ng video.

Pahayag ng management

Paglilinaw ng management, kahit pa man umalis si Xander at hindi nakikipag-ugnayan sa kanila, tutulungan parin anila ito sa kasong ikinakaharap ng artista.

Management Ni Xander Ford Ginamit At Pinagkakitaan Pa Ang Pagkakakulong Nito? 3
Photo Credits: Star Image Artist Management

Ngunit kung sakaling mapatunayan sa korte na nagkasala si Xander, dapat nitong harapin at panagutan ang karampatang parusa.

Sa video na ipinakita ng management, makikitang si Xander ay nasa loob ng selda at iginiit nilang hindi ito palabas o gawa-gawa lamang.

Huwag husgahan

Sisikapin ng Star Image Artist Management na malaman kung maaari ba silang makapagpiyansa kay Xander upang makalaya siya habang patuloy ang pag-iimbistiga sa kaso.

Management Ni Xander Ford Ginamit At Pinagkakitaan Pa Ang Pagkakakulong Nito? 4
Photo Credits: GMA News

Pahayag din ng management na huwag sanang husgahan ang artista at mas mabuting hintayin na lamang na magpatuloy ang pagdinig sa nasabing kaso.

Source: Star Image Artist Management

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: