Press "Enter" to skip to content

KC Montero, Inaresto Ng Awtoridad Sa Makati

Manila, Philippines – Kagabi, kabilang sa inaresto sa Makati City ang aktor at TV host na si KC Montero kasama ng nasa 100 indibidwal sa dahil sa paglabag umano sa social distancing requirements.

Pag huli

Kasama rin sa nadakip sa nasabing resto bar ang asawa ni Montero. Ayon sa Makati City Police, nadakip sila dahil sa paglabag sa social distancing rules sa gitna ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

KC Montero, Inaresto Ng Awtoridad Sa Makati 2

Iginiit ni Montero na mayroong social distancing ang lahat. Lumabas lang din daw sila upang kumain sa nasabing resto-bar.

Ani niya,

“I think para sa mga tao na papunta diyan, I think what they thought was it was open. So you’re allowed to go. And on top of that everybody was practicing social distancing. The tables were wide apart, were far apart.”

KC Montero, Inaresto Ng Awtoridad Sa Makati 3

Batay naman sa imbestigasyon ng pulisya, nadatnan daw umano ang loob ng bar na merong mga nag iinuman at alak sa ibabaw ngg mesa.

Pag aresto

Ayon naman sa Makati Police Chief na si Col Oscar Jacildo, natkatanggap sila ng tawag tungkol sa hindi umano pag sunod sa physical distancing sa loob ng nasabing bar.

Kasama rin sa naaresto ang may-ari at empleyado ng establiyimento. Dumipensa naman ang may-ari ng nasabing resto bar at iginiit nito na walang nangyaring party sa lugar.

Samantala, kinumpirma naman ng isang empleyado doon na ang lahat ng kanilang costumer ay sumusunod sa social distancing. Katwiran pa ni Montero na tila hindi naman tama na hulihin sila dahil sumusunod naman daw sila sa nasabing patakaran.

Ani pa ni Montero,

“Thats like backwards social distancing. They arrest us for protecting us for social distancing tapos force us to not social distancing and then put us, did you see a truck that’s bad!”

Pagpa tupad ng batas

Sa ilalim ng government guidelines, hindi pa pinapayagan ang mga bar sa lugar na nasa ilalim ng GCQ.

Dinala si Montero at kaniyang mga kasamahan sa Makati Police Statuon kung saan pormal silang sasampahan ng kaso na pag labag sa Republic Act No. 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Matatandaan na sikat si KC Montero noon at kilalang host ng isang social media platform. Bukod sa pagiging host ay namayagpag din ang kaniyang karera sa showbiz bilang isang aktor at modelo.

Source: Inquirer.Net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: