Press "Enter" to skip to content

Manila Water Iginiit Na Tama Ang P120K Bill Ng Nagreklamong Customer

Ang Manila Water Company Inc. ay naninindigan sa halaga ng tatlong buwang bill ng tubig na nagkakahalaga ng higit sa P120,000 ng isang customer sa Taytay, Rizal na noo’y nagreklamo dahil hindi aniya ito maka-totohanan.

Ang pagtaas ng bill

Ayon sa ulat ng ng 24 Oras nitong Miyerkules, ang tagapamahala ng Manila Water na si Mark Torres ay bumisita sa bahay ni Peter Legaspi, ang nasabing customer, matapos na mapansin ng company’s billing team ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng kanyang bayarin.

Manila Water Iginiit Na Tama Ang P120K Bill Ng Nagreklamong Customer 2
Photo Credit: GMA News

Nauna nang sinabi ni Legaspi na ang kanyang water bill ay kadalasang umaabot lamang mula sa P200 hanggang P1,000 kada buwan.

Kung kaya’t nang mapag-alaman niya ang kanyang bill na umabot sa P120,000, ay agad niya itong inireklamo.

Ang pahayag ng kumpanya

Ngunit pagpapaliwanag naman ng Manila Water,

“Mr. Torres was able to verify that the reading reflected in the billing was based on actual consumption between the months of April to June,”

Maynilad customers request to pay water bill in installments amid ECQ
Photo Credit: GMA News

Dagdag pa nito,

“Mr. Torres went back the following day and was able to speak to Mr. Peter Legaspi and his father (who is staying in the residence). It was then that Peter admitted that ‘Nagkaroon ng leak at kaka-repair lang namin,’”

Ang napagdesisyunang gawin

Sinabi ng kumpanya, maaari naman bayaran ni Legaspi ang kanyang bill nang hulugan sa pamamagitan ng promissory notes.

Water consumer billed P120K, asked to submit promissory note
Photo Credit: GMA News

Ngunit kahit pa sinabi ito ng Manila Water, hindi parin tinanggap ni Legaspi ang nasabing billing.

Ani ng water concessionaire, magsasagawa raw sila ng metre testing sa ika-30 ng Hulyo upang malutas ang naturang isyu.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: