Press "Enter" to skip to content

‘Marami Sa Inyo Matitigas Ang Ulo’ Patutsada Ni Duterte Bago Niya Isinailalim Muli Ang Cebu City Sa ECQ

Malacanang, Philippines – Ayon sa televised briefing ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong Myerkules ng gabi, kaniyang inihayag na mananatili ang Cebu City sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) para ma-protektahan ang lalong pag lobo ng kaso ng COVID-19 sa naturang lugar.

Ang desisyon

Sa kaniyang pag pupulong kasama ang Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease, kaniyang sinabi na nasa ilalim pa rin ng General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila pati na rin ang mga karatig probinsya ng Cavite at Rizal.

'Marami Sa Inyo Matitigas Ang Ulo' Patutsada Ni Duterte Bago Niya Isinailalim Muli Ang Cebu City Sa ECQ 2

Ani ng Pangulo,

“Cebu is now the hot spot for COVID… Marami sa inyo hindi sumunod.”

Bago pa isina-publiko ng Presidente ang anunsyo, sinabihan na ng IATF ang mga local goverment units (LGU) sa kanilang mga posibleng quarantine status sa kanilang lugar.

Pagbalik sa ECQ

Matatandaan na dalawang linggo pa lamamng ang nakararaan mula ng nilagay muli ni Duterte ang Cebu City sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) habang ang mga karatig na syudad ng Talisay ay nasa ilalim ng modified ECQ.

Samantala, pinatutsadahan ni Duterte kamakailan lang ang mga Cebuanos na mabagal ang pag aksyon para masugo ang pag laganap ng COVID-19 sa syudad. Tinawag pa ni Duterte na matitigas ang ulo ng mga Cebuano at kampante masyado sa sitwasyon.

'Marami Sa Inyo Matitigas Ang Ulo' Patutsada Ni Duterte Bago Niya Isinailalim Muli Ang Cebu City Sa ECQ 3
Photo Credit: GMA Network

Ayon naman sa pahayag ni Environment Secretary Roy Cimatu, sumusunod naman daw sa nasabing protocol ang mga Cebuanos, ang nakapag palala di umano sa sitwasyon ay ang mga umuuwing OFW’s at stranded individuals na mula sa Metro Manila.

Pahayag ng WHO

Nitong Martes, batay sa World Health Organization (WHO) Representative sa Pilipinas na si Dr. Rabindra Abeyasinghe, kaniyang pinuri ang Pilipinas at sinabing “relatively well” ang pag handle ng public health emergency kumpara sa ibang nasyon.

Ani niya,

“We are happy that the Philippines went into a very early lockdown which actually helped prevent possibly hundreds of thousands of cases and thousands of deaths.”

gunit minungkahi ni Abeyasinghe na sana’y palakasin pa ang contact tracing, isolation at quarantining efforts sa bansa.

'Marami Sa Inyo Matitigas Ang Ulo' Patutsada Ni Duterte Bago Niya Isinailalim Muli Ang Cebu City Sa ECQ 4
Photo Credit: GMA Network

Dagdag pa niya,

“There is improvement in the last month but it’s not keeping pace with the pace of the expansion of the testing capacity. Also, the compliance with the guidelines coming from the Department of Health (DOH) doesn’t seem to be universally good.”

Samantala, kamakailan-lang ang may naiulat na nag viral na sayawan sa iasng baranggay ng Cebu City. Sa ngayon, iniimbestigahan na ang nangyaring insidente at pinapanagot ang tao sa likod ng nasabing event.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: