Press "Enter" to skip to content

Maraming Negosyo Nagsara; Mataas Na Bilang Ng Joblessness Naitala Sa Bansa

Manila Philippines- Ayon sa pinakahuling tala na inilabas ng Social Weather Stations o SWS nitong Linggo ng gabi, kung saan mayroong pinakamataas na tala ng mga walang trabaho sa bahagi ng populasyon ng Pilipino sa bansa.

Mga kadahilanan

Sa inilabas na pinakahuling tala ng Social Weather Stations noong Linggo August 16, 2020 at sa naging pamantayan nito, tumutukoy sa mga “jobless” ang mga kadahilanang una kusang umalis ng trabaho, ikalawa naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon at ang ikatlo, ay nawalan ng trabaho dahil sa pang ekonomikong kadahilanan.

Mga kadahilanan- Joblessness
Photo Credit: Philstar

Sa puntos na 28 ay nagpakita ito ng pagtaas mula 17.5% noong December 2019 na bagong mataas na record mula sa 34.4% noong Marso 2012 ayon sa sabi ng mobile phone survey ng SWS. Ang bagong bilang ay tinatayang katumbas ito ng nasa 27.3M Pilipino noong Hulyo ng kasalukuyang taon na may 7.9M bilang naman noong December 2019.

Pagbaba ng kaledad ng buhay

Ayon sa magkasabay na isinagawang pag-aaral noong Abril habang ipinatutupad ang community quarantine ay lumabas ang record-high na 17.7% unemployment rate mula sa Philippines Statistic Authority (PSA). Napag-alaman din na nasa 86.4% ang “labor force participation rate” nitong Hulyo na may tantyang 60M katao, sa survey ay lumabas din na nasa 79% ng mga Pilipino ang nagsabi na lumala diumano kaledad ng kanilang buhay, may 12% naman ang tumutol dito at 8% ang nagsabing gumanda kumapara noong nakaraang taon.

Kaledad Ng Buhay- Joblessness
Photo Credit: SWS

Ilan sa mga lugar na kabilang sa nasabing 28 na puntos na may joblessness rate ay ang Balance Luzon (28), Metro Manila (29), Visayas (31), at Mindanao na tumaas ng (25) pursyento.

Naging epekto ng pandemya

Sa pag usbong ng pandemya ay maraming mga negosyo ang nagsara, hindi makapag-operate o nagkaroon ng limitadong operasyon dahilan upang mawalan din ng trabaho o maapektuhan din ang kabuhayan ng milyun-milyong tao. Sa survey ay nalaman din na isa sa lima (21%) ng Pilipino o kalahati ng (42%) ang walang trabaho at nawalan ng hanap buhay at ang mga nabanggit na lugar ang nakapagtala ng may pinakamataas na joblessness sa bansa mula Luzon sa (23%), na sinundan ng Visayas (19%), Mindanao (19%), at Metro Manila (18%) lamang noon.

Epekto Ng Pandemya- Joblessness
Photo Credit: Philstar

Ang nasabing survey ay saklaw ang may edad na 18-anyos pataas sa buong Pilipinas, samantala, nilinaw naman ng SWS na ang survey items na ito ay hindi commissioned at isinagawa ang mga ito bilang sariling inisyatiba at isinapubliko bilang serbisyo.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: Philippine Star

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: