Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez nitong martes, ika-28 ng abril na hindi sasagutin ng gobyerno ang mass tesing para sa COVID-19 ng mga empleyado ng pribadong sektor na magbabalik na sa kanilang mga trabaho sa oras na maipatupad ang general community quarantine (GCQ).
Optional
Binigyang diin ni Lopez na hindi ito sasagutin ng pamahaan at kung sakali namang gusto ng kumpanya na maka-sigurado, maari naman raw nila itong gawin.
“Hindi po sagot ng gobyerno subalit ‘yun na rin po ang magiging practice ng mga kumpanya na gustong magsigurado,”

“Option po ng mga opisina—of course ang ine-encourage po ay ‘yung PCR test pero ‘yun po ay limitado ang gamit sa ngayon. ‘Yung mga factory or ‘yung mga offices, ‘yun naman po ang magiging batayan nila,”

“‘Yung mga alanganin, may mga nakatabi na COVID positive o masama ang pakiramdam, ‘yun naman po ay pwedeng i-subject sa mga PCR test,”
Sa kabila nito ini-encourage pa rin naman nila ang mga employer na makapag-patest ang mga empleyado. Lalo na kung nakikitaan na sila ng sintomas.
GCQ
Habang extended ang enhanced community quarantine o ECQ sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, at iba pang high-risk areas hanggang May 15, ipapatupad naman ang GCQ sa iilang mga lugar. Sa oras na magsimula ito sa May 1, mabibigyan na ng pagkakataon na mabuksan ang ilang mga establisyemento kasama na rin ang pampublikong transportasyon at marami sa mga tao rito ang makakabalik na sa kani-kanilang mga trabaho.
Sari-saring reakyon
Umani naman ng ibat-ibang reaksyon ang balitang ito mula sa mga netizen. Marami ang nagsasabi na halos lahat umano ng mga empleyado ng pribadong sektor ay nagbabayad ng buwis, kung kaya’t bakit hindi ito maibigay ng libre sakanila ng gobyerno.

At kung mayroon mga hindi pabor rito, marami rin ang naman nagsasabi na naiintindihan nila ang naging desisyon ng gobyerno.
Source: GMA News
Be First to Comment