Press "Enter" to skip to content

Matakaw! Mister, Nagkakasakit Pag Hindi “Napagbigyan” Ni Misis Tatlong Beses Isang Araw

Isang misis ang nagsumbong sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa sobrang katakawan sa s3x ng kanyang mister. Tila sinasaniban umano ito pag di nakaka tatlong beses sa loob ng isang araw na pakikipagtalik.

Matakaw na mister

Ayon kay misis gusto na niyang makipaghiwalay sa kanyang mister dahil hindi na niya matiis ang katakawan nito sa pakikipagtalik. Kakaiba kasi ang istamina nitong si mister pag dating sa labing labing. Wala din itong pinipiling oras dahil kahit nasa harapan ng kanilang mga anak ay nagpupumilit ito.

Matakaw! Mister, Nagkakasakit Pag Hindi "Napagbigyan" Ni Misis Tatlong Beses Isang Araw 2

Sa katunayan umano, kahit magkakaharap ang buong mag anak sa harap ng hapag kainan ay yayakapin siya nito at hihimasin sa maseselang parte ng katawan. Dagdag pa ni misis walang pakielam ang kanyang mister kahit halos sariwa pa ang sugat niya mula sa isang operasyon.

Pagbabanta ni mister

Sa tuwing aayaw umano si misis ay magpipilit pa rin ito na hatakin siya sa kanilang kwarto. Hindi umano makapalag at makasigaw si misis dahil baka maimpeksyon ang kanyang sugat. Isa pa, dahil halos dikit dikit ang mga bahay sa kanilang lugar ay mabilis lang maririnig ang ingay, kung kaya dahil sa kahihiyan sa kapitbahay ay nagpapaubaya nalang umano siya.

Matakaw! Mister, Nagkakasakit Pag Hindi "Napagbigyan" Ni Misis Tatlong Beses Isang Araw 3

Isa pang dahilan kung bakit hindi makaalis si misis sa poder ni mister ay dahil nagbabanta umano ito palagi sa tuwing tatanggi siya. Lagi umano nitong sinasabi na magpapakamatay ito at idadamay pa nito maging ang kanilang mga anak. Dagdag pa ni misis babaero din si mister at hindi nauubusan ng babae.

Kasalanan ng COVID-19

Depensa naman ni mister, hindi totoo na pinipilit niya ang kanyang asawa. Sa katunayan, naghihintay lang umano siya ng yayain ni misis. Ayon pa sa kanya, ngayon lang naman siya nahihilig sa pagtatalik dahil na rin sa walang magawa sa araw araw dahil sa lockdown. Samakatuwid, kasalanan umano ng COVID-19 kung bakit siya “matakaw”.

Sa huli pinayuhan ni idol Raffy si mister na humiwalay muna pansamantala kay misis. Balak ni idol na patingnan si mister sa isang psychiatrist dahil hindi normal na lagi nalang umano itong magbabanta ng pagpapakamatay kung hindi mapagbibigyan.

Batay sa napagkasunduan, uuwi nalang muna si misis sa probinsiya niya sa Tarlac upang makasama ang kanyang mga anak at upang na rin mahiwalay sa kanyang asawa.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: