Press "Enter" to skip to content

Matakaw Na Mister Part 2: Misis At Matakaw Sa S3x Nitong Mister, Naharap Na sa Barangay

Ilang araw matapos ang pagsusumbong ni misis sa programa ni idol Raffy Tulfo ay sa wakas ay nagkaharap na ang mag asawa sa harap ng barangay. Ito ay upang ayusin ang kasunduan na pansamantalang paghihiwalay ng dalawa upang makapagpagamot si mister.

Ang paghaharap sa barangay

Sa harap ni Chairwoman Luz Santos, sa Brgy 110, Zone 12, District 2 Pasay City, nag usap ng masinsinan ang mag asawang Herman at Annie Burdeos. Doon ikinwento muli ni Annie ang pagiging matakaw ni Herman sa s3x. Umaga, tanghali, at gabi ito kung magyaya ng pakikipagtalik.

Matakaw Na Mister Part 2: Misis At Matakaw Sa S3x Nitong Mister, Naharap Na sa Barangay 2

Ayon umano kay Herman, ang s3x ay tulad ng isang ulam na dapat kainin tatlong beses sa isang araw. Hindi umano makapalag si Annie dahil sariwa pa ang sugat niya mula sa operasyon. Isa pa, dikit dikit ang mga kabahayan sa kanila kung kaya madaling marinig kung sisigaw siya, kung kaya napipilitan itong magpaubaya dahil sa kahihiyan.

Kasalanan ng COVID-19

Paliwanag naman ni Herman, nabuburyong na siya sa kanilang bahay dahil walang magawa kung kaya napapadalas ang pangangalabit nito kay misis. Kasalanan umano ito lahat ng lockdown dahil hindi sila makalabas at hindi makabalik na normal nilang gawain sa araw araw.

Matakaw Na Mister Part 2: Misis At Matakaw Sa S3x Nitong Mister, Naharap Na sa Barangay 3

Hindi na napigilan ni Annie na mapahagulgol dahil sa hirap na dinanas niya sa kanyang asawa. Bukod kasi sa pagiging matakaw nito ay sinisiraan pa siya sa mga magulang nito. Sinasabi umano ni Herman sa kanyang pamilya na pinapabayaan siya ni Annie kung kaya galit ang pamilya nito sa kanyang misis.

Twice a day lang naman

Itinanggi naman ni Herman na ang 3x a day na bintang ni misis. Tawad niya, 2x a day lang daw ang kanyang pangangalabit. Ang seryosong usapan ay napuno ng tawanan ng isumbong ni Annie ang pambababae ni Herman. Ayon kay Annie, minsan ay umamin umano si Herman na nakipagtalik ito sa kanyang kabit sa ilalim ng puno ng mangga.

Matakaw Na Mister Part 2: Misis At Matakaw Sa S3x Nitong Mister, Naharap Na sa Barangay 4

May nakita pa umano si Annie na dalawang malaking panty na hindi naman sa kanya. Pati mga personal na mga gamit niya ay nawawala. Inamin din umano si Herman ng personal sa kanya na tumikim siya ng ibang “ulam”. Itinanggi naman ni Herman sa harap ng barangay ang pagtikim ng “ulam” ng iba sabay tawa ng malakas. Kaya naman maging sina kapitana ay hindi na naiwasan matawa sa nagiging pag uusap.

Ulam at dessert

Nang matanong si Herman kung anong klaseng ulam at dessert si Annie, sinabi niyang isang Menudo at fruit salad si Annie dahil masarap at matamis. Nang si Annie naman ang tanungin ng parehong tanong, panis na menudo at fruit salad si Herman. Ito ay dahil sa lasang panis na umano si Herman.

Sa dulo ng kanilang pag uusap, naging madamdamin ang naging paghingi ng tawad ni Herman kay Annie. Lumuhod ito sa harap ni misis ngunit sa kasalukuyan ay hindi pa ito kayang patawarin ni Annie.

Sa huli, tuluyan ng naiwan sa kanilang bahay si Herman upang makapagpagamot sa psychiatrist. Samantala, umuwi naman si Annie sa tarlac upang makapiling naman ang kanyang mga anak.

Source: Raffy Tulfo In Action

Para sa unang yugto ng kwento, narito ang video nito;
https://pinasbalita.org/matakaw-mister-nagkakasakit-pag-hindi-napagbigyan-ni-misis-tatlong-beses-isang-araw/

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: