Press "Enter" to skip to content

Matapang At Pasaway Na Foreigner, Inaresto Sa Kanyang Pamamahay

Isang dayuhan sa dinakip ng mga otoridad sa kanyang bahay sa isang private subdivision sa Makati City. Ito ay dahil umano sa paglabag nito sa quarantine protocol.

Walang suot na face mask

Linggo ng magkainitan si Senior Master Sergeant Roland Von Madrona at ang dayuhang nakilala sa pangalang Javier Salvador Parra. Nag ugat ang komosyon ng mahuli umano ng barangay tanod ang kasambahay ni Parra na lumabas sa kanilang bakuran ng wala suot na face mask.

Matapang At Pasaway Na Foreigner, Inaresto Sa Kanyang Pamamahay 2

Sa kwento ni Parra, dumating umano si eksena si Madrona at tinetiketan ang kanyang kasambahay sa halagang P1,000 para sa kanyang violation. Nagsumbong sa kanya ang kasamabahay kung kaya siya lumabas.

“I wasn’t aware that there is a law saying that inside your own property you must wear face mask,” ani Parra

Spinal injury

Ipinaliwanag niya umano kay Madrona na hindi kailangan pagbayarin ang kanyang kasambahay dahil nasa loob ito ng private property. Pumasok umano si Madrona sa kanyang bakuran na walang search warrant at inaaresto siya ng walang rason. 

Matapang At Pasaway Na Foreigner, Inaresto Sa Kanyang Pamamahay 3

Nagtamo umano siya ng injury dahil sa sapilitang pag aresto. May iniindang spinal injury din umano siya kung kaya nasaktan ng husto ng dinapa siya sa sahig.

Dagdag pa ni Parra, “Does Makati police not have better things to do, like stop real criminals? If there was no camera running, would he perhaps have shot me, as the policeman did with the mentally challenged man a few days ago?”

Sinungaling na dayuhan

Ngunit sa isang video na kumalat sa social media, kitang kita ang pagiging kalmado ni Madrona taliwas sa bintang ni Parra. Ayon kay Madrona, maayos siyang nagpakilala sa kasambahay at pinayuhang magsuot ito ng face mask. 

Matapang At Pasaway Na Foreigner, Inaresto Sa Kanyang Pamamahay 4

Hindi rin umano totoo na hinihingan niya ng P1,000 ang kasambahay bilang penalty. Tanging ID lamang ang kayang hiningi upang mabigyan ng violation citation tickets.

Nagsumbong umano ito sa kanyang amo at doon na galit na lumabas si Parra. Walang suot na damit at face mask si Parra ng komprontahin niya si Madrona. Nagwala ito at nagbitaw ng mga mapang insultong pananalita laban kay Parra na siya namang kitang kita sa video.

Iimbestigahan na

Nakarating na ang insidente sa mga nakatataas. Kung kaya naman inutusan ni PNP Chief General Archie Gamboa ang NCR Police office na imbestigahan ang nasabing kaso. Pati si Makati Mayor Nancy Binay ay nag utos na rin ng parehong imbestigasyon.

Matapang At Pasaway Na Foreigner, Inaresto Sa Kanyang Pamamahay 5

Mahaharap sa kasong Disobedience to a person in authority, direct assault, at violation of the Makati City Ordinance si Parra. Maging ang kanyang kasambahay mabibigyan ng ordinance violation receipt.

Source: Inquirer

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: