Press "Enter" to skip to content

Matapos Ang 10 Taon Na Pagiging Mag-asawa, Mister Bading Pala!

Isang misis ang humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo upang idulog ang panglolokong ginawa sa kanya ng kanyang mister. Sa loob ng 10 taon nilang pagiging mag asawa, biglang nakipaghiwalay si mister dahil bakla umano siya.

Bakla si mister

Ayon sa nagrereklamong misis na si Susan Agopita, 10 taon na silang kasal ng kanyang mister na si Noriel Agopita. Subalit 4 na taon lang sila nagkasama ng personal dahil nag abroad ito anim na taon na ang nakakaraan. Ngayon, nagdesisyon umanong makipaghiwalay si Noriel, sa pamamagitan lang ng mensahe sa messenger.

Matapos Ang 10 Taon Na Pagiging Mag-asawa, Mister Bading Pala! 2

Ayon kay Noriel, bakla umano siya kung kaya hindi na niya kayang maging masaya sa kanyang pagsasama. Natuklasan lamang ni Noriel ang kanyang tunay na kasarian ng magpunta umano siya sa abroad. Ngayon, may mahal ng iba si Noriel at ito ay kapwa niya lalaki.

Tapusin ang pagpapanggap

Reklamo pa ni Susan, bumibili umano ng mga ari arian si Noriel ngunit sa pamilya nito ipinapangalan upang sa gayon ay wala siyang makuha. Dahil dito, nais ni misis na ipadeport si mister at pareho silang magdusa dito sa Pilipinas.

Matapos Ang 10 Taon Na Pagiging Mag-asawa, Mister Bading Pala! 3

Ayon naman kay Noriel, ng pakasalan niya si Susan ay buo na ang kanyang pasya na maging tunay na lalaki. Aminado si Noriel sa kanyang nagawang kasalanan kay Susan kung kaya buong pagpapakumbaba siyang humingi ng tawad kay Susan.

Aniya, sawang sawa na siyang magpanggap na lalaki sa tuwing umuuwi siya ng bansa. Ilang taon na umano niyang tinitiis ang pagpapanggap para lang walang masabi ang mga tao sa Pinas. Gusto rin niya umano na bigyan pagkakataon na lumigaya si Susan sa tunay na lalaki.

Pera ang solusyon

Subalit matigas ang loob ni Susan at gusto niyang ipadeport si Noriel. Kaya naman namagitan na si Tulfo. Tinanong niya si Susan kung ano ang makakapagpabago ng isip niya para pareho silang sumaya lalo at wala naman silang anak na masasaktan.

Ayon kay Susan kailangan siyang bayaran ni Noriel ng halagang P100,000. Natawa si Tulfo na tila naman pala pera lang ang katapat ng kanyang pagpapatawad. Ayon naman kay Susan, iyon ang gagamitin niyang panimula. Gusto rin niyang ipa walang bisa ang kasal upang tuluyan na silang magkanya kanya ng buhay.

Sa huli, nagkasundo ang bawat panig na tuluyan ng maghiwalay. Ilang beses din inulit ni Susan na dapat siyang bayaran ni Noriel.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: