Press "Enter" to skip to content

Matapos Ng Naging Reklamo Ng Konsehal, Mga Tanod Binigyan Ni Idol Raffy Ng Bonggang Ayuda!

Cavite, Philippines- Matapos madawit ang mga tanod sa naging reklamo ng konsehal sa isang misis ng kapwa nito konsehal, ang mga tanod ay binigyan ni idol ng bonggang ayuda. Ang reklamo ay tungkol sa pagtanggap diumano ng misis ng pera mula sa SAP.

Ang reklamo

Sa lungsod ng Brgy. San Luis, Dasmariñas Cavite kung saan ang konsehal na si Raul Bravo ay inereklamo sa programa ni idol ang misis ng kapwa nito konsehal na si Nini Bulagao, sa kadahilanang ito diumano ay tumanggap ng perang ayuda mula sa SAP.

Ang Reklamo- SAP
Photo Credit: Youtube

Sinabi pa nito na hindi dapat tumanggap ng pera sa SAP ang katulad nilang may katungkulan bagkus sila pa dapat ang tumulong magbigay lalo na sa mga kasamahan nilang mga tanod na mas nangangailangan.

Ang naging imbestigasyon

Sa imbestigasyon na ginawa ng kawani ng programa na Raffy Tulfo In Action noong ika-27 ng Mayo, ay napag-alaman nito na naibalik na diumano ang sinasabing pera na nakuha ng misis. Ang pera ay ginamit diumano sa panggamot ng tatay nitong bed ridden dahil sa sakit.

Ang Naging Imbestigasyon- SAP
Photo Credit: Youtube

Samantala dahil din dito ay napag-alaman pa ng programa na marami diumano sa mga tanod sa kanilang barangay ang lubhang hirap at nangangailangan din ng tulong, sa katunayan sinabi pa ni Raul na ang 5 buwan nitong sahod ay kanyang ipinambili ng bigas upang ipamigay sa mga ito at iba pang kapitbahay bilang tulong na bagay na binatikos pa ng misis na inireklamo nito.

Ang resulta ng reklamo

Matapos ang naging diskusyon at imbestigasyon sa dalawang panig ay sa huli naayos din naman ang mga ito, gayundin ang naungkat pang ibang issue ng problema sa pagitan ng mga kawani at iba pa. Nagka-ayos ang mga kawani sa tulong na din ng kanilang barangay Kapitan.

Ang Resulta-  SAP
Photo Credit: Youtube

Dahil sa reklamong ito ay minabuti na din ng programa ni idol na bigyan nang bonggang ayuda ang mga tanod ng barangay na ito bilang tulong. Ito ay dahil hindi naman lahat ng tanod ng nasabing barangay ay nakatatanggap ng sahod at hindi din lahat naging kwalipikado para sa nasabing ayuda.

Narito ang video

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: