Press "Enter" to skip to content

Matapos Mag Buhay Dalaga Ng Mahigit 10 Taon, Ina Biglang Ipinagkait Ang Anak Sa Kanyang Lola

Last updated on March 18, 2020

Matapos ang mahigit 10 taon na pag iwan sa kanyang anak sa pangangalaga ng lola, bilang kinuha at itinago ng ina ang kanyang anak mula sa kanyang lola. Sumamo ng lola ng bata ay ipakita man lang sa kanya ang kanyang apo kahit paminsan minsan lang.

Kawawang lola

Isang lola ang lumapit sa tanggapan ng beteranong mamamahayag na si Raffy Tulfo upang humingi ng tulong na makita ang kanyang apo na bigla na lamang umanong kinuha at itinago ng kanyang anak mula sa kanya. Nagsusumamo ang matanda na payagan siyang dalawin ang kanyang apo kahit isang beses lang. 

Matapos Mag Buhay Dalaga Ng Mahigit 10 Taon, Ina Biglang Ipinagkait Ang Anak Sa Kanyang Lola 2

Sa kwento ng lola na si Rosario Tuazon, bigla raw kinuha ng anak niya ang kanyang apo ng walang paalam sa kanya. Nag ugat ito ng nag desisyon siya na tumigil na sa pagsama sa prayer meeting na kanilang dinadaluhan ng kanyang anak dahil masyadong malayo ang ito sa kanilang bahay. Nagalit umano ang kanyang anak na si Diana Michelle Tuazon sa kanya kung kaya bigla na lamang kinuha sa paaralan ang kanyang anak at mula noon ay di na niya ito nakita. 

Pagmamahal ng isang lola

Ayon kay lola Rosario, isang taon pa lamang ang apo niyang si Lito ay iniwan na ito sa kanya ni Diana. Pinapadalhan lamang siya nito ng panggastos ng apo at buhay dalaga na ito. Nakamit umano nito ang lahat ng gusto nito sa buhay sa tulong ni lola dahil siya ang sumalo sa obligasyon nito bilang ina sa kanyang apo.

Matapos Mag Buhay Dalaga Ng Mahigit 10 Taon, Ina Biglang Ipinagkait Ang Anak Sa Kanyang Lola 3

Hindi naging madali ang pinagdaanan ni lola Rosario sa pagpapalaki sa kanyang apo dahil masasakitin ito at laging nabibingit sa kamatayan. Binata ng matanda ang lahat ng hirap habang ang ina ng bata ay buhay dalaga. Lahat ng pangangailangan ng apo maliban sa aspetong pinansyal ay binigay nito sa apo kung kaya ganun na lamang ang kanyang sama ng loob ng ilayo ito sa kanya lalo pa at walang paalam.

Sumamo

Aminado si lola Rosario na wala siya legal na habol sa apo dahil ang ina pa rin ng bata ang may mas karapatan dito. Kung kaya naman ang nais lamang niya ay makausap kahit minsan lang ang kanyang apo at masigurong masaya na ang bata sa piling ng ina.

Matapos Mag Buhay Dalaga Ng Mahigit 10 Taon, Ina Biglang Ipinagkait Ang Anak Sa Kanyang Lola 4

Nangako naman si idol na tutulungan siya nitong makausap ang kanyang anak sa pamamagitan ng pagpapatawag sa barangay upang magkaayos ang mag ina. Awang awa man si idol kay lola Rosario dahil kitang kita dito ang lungkot at hinagpis ay wala siyang magagawa kundi pakiusap si Diana na magkaroon ng kaunting konsiderasyon sa kanyang ina.

Narito ang buong kwento ni lola Rosario:

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: