Isang babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) sa Jeddah, Saudi Arabia ang sinaktan ng kanyang sariling amo dahil di umano’y pinaghinalaan siyang nagnakaw ng Iphone. Dahil sa balitang ito, hindi nag-atubiling humingi ng tulong ang kaibigan ng pinay para marescue ito.
Ang paninisi
Si Rezalyn Zap Barotas ay ang pinay OFW na pinagbintangang magnanakaw. Sa kabila ng lakas loob at tiyaga niyang mangibang-bansa, tila umiba ang ihip ng hangin sa kanyang pagsisilbi sa kanyang amo dahil sa isang bagay na nawawala.

Iphone ang ibinibintang na ninakaw ni Rezalyn mula sa amo. Dahil dito, sinaktan raw siya umano ng anak ng kanyang among babae.
Imbes na dumaan sa imbestigasyon, sakit at mga pasa sa katawan ang kaniyang natamo mula sa pananampal at pagpalo sa kaniya ng host ng tubig. Bukod pa rito, tinutukan pa raw siya ng baril, na maaring sa ilang saglit lang ay kuhanin ang kanyang buhay.
Panawagan ng kaibigan
Nagpost sa social media ang isa sa mga kaibigan ng pinay OFW. Nanawagan umano ito na marescue kaagad ang kanilang kaibigan dahil sa pangamba at kapahamakang maaring mangyari roon. Aniya sa Facebook post,
“Magandang araw po mga kapwa q OFW sa buong mundo at aq ay humihingi ng tulong sa inyong lahat na marescue po ang aming kaibigan na si Rezalyn Zap Barotas dto sa Jeddah Tabouk Saudi Arabia…”

Ibinahagi naman ang nasabing post ng ilang mga netizeng nais na matulungan at marescue sa lalong madaling panahon ang pinay OFW. Halos karamihan sa mga ito ay kapuwa niya ring OFW.
Kasalukuyang kinalalagyan
Kalakip sa post ng mga kaibigan at kaanak ni Rezalyn ay ang mga larawan ng sakit at mga pasa na kanyang itinamo sa pananakit ng kanyang amo. Kasama rin sa post ang mismong address ng amo at kinalalagyan niya ngayon sa Saudi Arabia.

Sa ngayon, wala pa ring balita kung ano ang kasalukuyang kalagayan ni Rezalyn. Ngunit hiling ng kaibigan, kaanak, at ilang mga netizen na sana’y mabigyang katarungan ang ginawang pananakit at pang-aabuso sa kanya.
Manatiling nakatutok sa Pinas Balita para sa iba pang impormasyon.
Source: مالفیتا ایزا
Be First to Comment