Press "Enter" to skip to content

Matindi Ang Kati? Misis Sumama Sa Textmate Matapos Makuha Ang 5k Galing Sa SAP!

Last updated on May 13, 2020

Polomolok, South Cotabato – Nag susumamong nanawagan ang isang lalaki sa kaniyang misis matapos itong mag layas ng bahay para sumama sa kaniyang textmate. Tangay ang kanilang dalawang-taong gulang na anak pati na rin ang nakuhang P5,000 na ayuda mula sa SAP.

Paglalayas

Sa pahayag ng ni Rey Delos Santos, nagpa alam ang kaniyang misis na si Amalia Peler na dadalawin lamang ang kaniyang tatay na na-hospital sa bayan. Bitbit ang kanilang anak, dali-dali raw itong umalis at sumakay sa pampasaherong van na dumaan sa tapat ng kanilang bahay sa bayan ng Marvel.

Salaysay ni Delos Santos, matapos ang dalawang oras na pag hihintay sa kaniyang mag-ina ay nagpasya na lamang itong puntahan ang bahay ng kaniyang in-laws para personal na sunduin ang kaniyang mag-ina. Pero nagulat na lamang daw siya ng nadatnan niyang wala doon ang kaniyang asawa’t anak.

Matindi Ang Kati? Misis Sumama Sa Textmate Matapos Makuha Ang 5k Galing Sa SAP! 2
Photo credits: Bombo Radyo

Ani niya,

“Pag abot ko sa balay sa iya papa, tingala ko wala man didto ang akon asawa kag anak. Te, nakabalaka ko kay may Covid ng daan. Upod niya pa amon anak.”

(Pag dating ko ng bahay ng kaniyang magulang, nagulat ako kasi wala naman doon ang aking mag ina. Nag-alala ako ng husto kasi may Covid pa naman tapos dala niya ang aming anak.)

Pag sama ng asawa sa textmate

Ayon kay Delos Santos, matagal na daw niyang napapansin ang kaniyang asawa na parati may ka-text at kausap sa telepono. Hindi niya naman daw ito inusisa dahil ng isang beses na nag tanong siya sa kaniyang asawa, sinagot naman daw siya na “kausap niya lamang ang kaniyang mga kaibigan.”

Di sukat niya akalain na ang tinutukoy palang kaibigan ng kaniyang 19 anyos na asawa ay kaniya na palang textmate. Ayon pa kay Delos Santos, hindi niya naman daw sinasaktan ang kaniyang asawa bagkos ay mahal na mahal niya daw ito.

Panawagan na umuwi

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal, nagsusumamo si Delos Santos sa kaniyang misis na magpakita sa kanya upang mapag-usapan nila ang kanilang problema. Iginiit pa nito na gusyo niya maayos ang anumang gusot na kanilang hinaharap.

Base sa kaniyang salaysay, taga ‘bukid’ daw ang ka-textmate ng kaniyang asawa. Nagkataon lamang daw na nakilala ng kaniyang asawa iyon dahil sa Marvel din ito nag ta-trabaho . Nag aalala naman siya sa kaniyang anak dahil baka wala na daw ma-inom na gatas ito.

Panawagan niya sa textmate ngg kaniyang misis, kung maari lamang daw ay isauli ang kaniyang asawa’t anak dahil nag aalala na ito at sinisira niya umano ang kanilang pamilya.

Matindi Ang Kati? Misis Sumama Sa Textmate Matapos Makuha Ang 5k Galing Sa SAP! 3
Photo credits: Bombo Radyo

Ani niya,

“Doy, ipapuli na ang asawa kag bata ko doy. Gina-guba mo an amon pamilya. Ang bata daan gamay pa.”

(Doy, iuwi mo na asawa at anak ko. Sinisira mo ang pamilya namin. Ang aming anak ay maliit pa.)

Nanawagan din ito sa kaniyang asawa. Ani niya,

“Be, ang sakon lang, Mag pule ka bisan sa tiya mo sa San Vicente kay nag libog na sila kung diin ka husto. Nabalaka na sila daan. Mag pule ka na kay maluoy ka sa aton anak. Tatay ko, wala ko kabalo unsa nahitabo na sa inyo da. Wala ka ga licensya nga daan. Ginapa-kaba mo kami.”

(Be, ang sakin lang umuwi ka kahit na sa Tita mo sa San Vicente. Kasi nag aalala din sila kung nasaaan na kayo. Pati ako nag aalala. Umuwi ka na. Maawa ka sa anak natin. Tatay ako, wala ako alam kung ano na nangyari sa anak ko. Hind ka man lang nagpa alam. Pinapa-kaba mo ako.)

Sa ngayon, patuloy pa rin na umaasa si Delos SAntos na maayos niya ang kanilang pamilya at makita niya ang kaniyang mag ina. Sinabi niya din na kahit anong nagyari ay tatanggapin niya pa rin ang kaniyang asawa sagil mahal niya ito.

Source:Bombo Radyo

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: