Press "Enter" to skip to content

Matteo Guidicelli Nagsalita Na Tungkol Sa Kanilang Kasal Ni Sarah G

Last updated on March 18, 2020

Nagsalita na sa wakas ang aktor na si Matteo Guidicelli tungkol sa nangyaring Christian wedding nila ni Sarah Geronimo. Matapos ang nasa isang linggong pananahimik ay nagbigay na siya ng opisyal na pahayag. Bumuhos ang congratulatory messages ang bagong kasal dahil dito.

Binasag ang katahimikan

Anim na araw mula ng mangyari ang secret wedding sa pagitan ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo at long-time boyfriend nitong si Matteo Guidicelli ay naglabas na ng pahayag ang aktor. Sa mga nakalipas na mga araw ay pinili ng bagong kasal na manahimik muna dahil hindi naging maganda ang katapusan ng araw na iyon. Matatandaang nabahiran ng kontrobersiya ang dapat sana ay tamihik at masayang okasyon dahil sa panggugulo ng ina ni Sarah na si Mommy Divine na nasundan pa ang reklamong panununtok laban kay Matteo.

Sa kanyang Instagram account ay nag post ang aktor ng larawan nilang mag asawa mula sa naganap na kasalan. Kalakip nito ang mahabang mensahe tungkol sa naging pangyayari ng araw na iyon. Mararamdaman ang lubos na kasiyahan sa kanyang post. Hindi niya nakalimutang pasalamatan ang lahat ng mga taong naging bahagi ng kanilang pag iibigan. Nagbigay din siya ng kaunting detalye sa naganap sa venue kasabay ng pagtanggi niya sa akusasyon ng bodyguard ni Sarah. Narito ang kanyang naging mensahe.

Matteo Guidicelli Nagsalita Na Tungkol Sa Kanilang Kasal Ni Sarah G 2

Mensahe at payo

Gaya ng inaasahan, bumuhos ang pagbati sa bagong mag asawa mula sa kanilang mga pamilya at kaibigan sa industriya ng showbiz. Ilan sa kanila ay nagbigay pa ng payo tulad nina Marvin Agustin, Eruption, Iya Villania, at Ryan Eigenmann.

“Congrats Matteo and Sarah! Walang madaling relasyon pero naging payapa at maayos ang pagsasama pag kayong dalawa ay mangangakong magkakampi hanggang dulo. Very very happy for you guys.”- Marvin Agustin

“Huge! I remembered that date bro! Proud of you both! Don’t let anything stop you!”- Eruption

“Baby boy!!! You know how happy I am for the two of you. Can’t wait for the day when everything and everyone is at peace. Enjoy the best life ever as Mr. and Mrs.!”- Iya Villania

“CONGRATS SWEETHEARTS! Piece of advice that was given to me on my wedding…’ Marriage is not a word, it’s a sentence.. A LIFE sentence!”- Ryan Eigenmann

Dasal

Sa ngayon, tanging pahayag na laman ni Sarah Geronimo at Mommy Divine ang hinihintay na lang. Nahaluan man ng lungkot ang nangyaring kasalan ay dasal ng lahat na sana ay magkaayos na ang bawat kampo.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: