Press "Enter" to skip to content

May Budget! Iyaking Mr. Fifty Million Na Nagbanta Sa Buhay Ng Pangulo, Laya Na!

Laya na ang kontrobersyal na guro na si Ronnel Mas matapos bayaran ng kanyang pamilya ang piyansa na nagkakahalagang P72,000. Ngunit pansamantala lamang ito dahil tuloy pa rin ang kaso laban sa kanya.

Malaking pabuya

Matatandaan na nag viral si Mas sa social media matapos arestuhin ng National Bureau of Investigastion o NBI. Ang nasabing guro kasi ay nag post sa twitter na kanyang kahandaan ng pagbibigay ng P50 million na pabuya sa kung sino man makakapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

May Budget! Iyaking Mr. Fifty Million Na Nagbanta Sa Buhay Ng Pangulo, Laya Na! 2
Photo Source: National Bureau Of Investigation

Nang mahuli, ay todo iyak si Mas sa harap ng mga opisyal at mga camera. Humingi ng paumanhin ang guro at nangakong hindi na ito mauulit. Ayon naman sa ama nito, nagawa lamang ito ng kanyang anak upang magpasikat sa social media.

Alliance of Concerned Teachers

Ang pansamantalang paglaya ay kinumpirma mismo ni Alliance of Concerned Teachers Secretary General Raymond Basilio nitong Martes, Mayo 19. Ang release order ay inilabas ng Branch 72 ng Regional Trial Court. Nakatakda ang pre-trial sa susunod na linggo, Mayo 28.

Pansamantala mang nakalaya ngunit hindi pa rin nakukuha ni Mas ang hustisya ayon kay Basilio.

Aniya, “Justice, however, is yet to be gained. The Duterte government shall answer for their blatant disregard of teacher Ronnel’s rights and freedoms when the NBI coerced him into admission, presented to and humiliated him in front of the press, and illegally detained him for eight days.”

Warrantless arrest

Ayon sa Department of Justice, invalid ang pag aresto kay Mas ng NBI ng walang hawak na warrant of arrest. Magkaganoon pa man, ang ginawang pag amin ni Mas sa media ang naging dahilan ng pagkaka “untimely cured” ng “defect” na ito.

Batay kasi sa batas, para magkaroon ng bisa ang warrantless arrest, kailangan ay ang paglabag ay ka gagawa pa lamang, hindi tulad sa kaso ni Mas na hinuli anim na araw matapos ang kanyang ginawang pag post sa twitter.

Hustisya

Desidido ang grupo ng Alliance of Concerned Teachers na ituloy ang laban para kay Mas.

Ani Basilio, “Our fight continues, not only for teacher Ronnel, but also for teachers Juliet and Eli Espiñosa who were jailed for their humanitarian regard for others,”

Dagdag pa niya, “Our fight continues as long as state-funded censorship and attacks on free speech run rampant.”

Isa lamang si Mas sa apat na kataong hinuli ng mga otoridad sa parehong kaso. Desidido ang mga opisyal na hulihin ang mga taong nagbabanta sa buhay ng Pangulo maging sa iba pang mga opisyal ng gobyerno.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: