Press "Enter" to skip to content

May Forever Na Ba Ang ABS-CBN O Pangsamantala Lang Muna Na Babalik?

Last updated on May 14, 2020

Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano noong Miyerkules, na maaaring bumalik ang pag-ere ng ABS-CBN Corp sa unang linggo ng Hunyo. Ito ay sa gitna ng mga mabilis na paglilitis sa kanyang iminungkahing panukala. Ito ay upang bigyan ang nasabing network ng isang pansamantalang broadcast franchise hanggang sa Oktubre.

Ang pag broadcast

Sa pakikipag-usap sa Teleradyo ng ABS-CBN, sinabi ni Cayetano na maaaring mag-broadcast muli ang network sa susunod na buwan.

May Forever Na Ba Ang ABS-CBN O Pangsamantala Lang Muna Na Babalik? 2
ABS-CBN News

“If everything goes well, God willing, Monday matapos namin on final reading, Tuesday nasa Senado. Kung kaya ng Senado one week, the week after next, latest first week ng June, on the air na ulit,” -Cayetano

Patas na pagpapasya

Naniniwala rin siya na magiging patas si Presidente Rodrigo Duterte at aprubahan nito ang pansamantalang lisensya ng naturang istasyon.

May Forever Na Ba Ang ABS-CBN O Pangsamantala Lang Muna Na Babalik? 3
ABS-CBN News

“Ang ating Pangulo po ay abogado. Kung ako ang tanungin niya, ang sasabihin ko ‘Sir, pang ano lang ‘to eh, pang-due process’,” -Cayetano

Sinabi rin ni Cayetano na naniniwala siyang pipiliin ng Pangulo ang pagiging patas at angkop na proseso sa pagpapasya kung pipirmahan ang pansamantalang awtoridad sa batas.

“Hindi ko alam kung ive-veto niya o hindi, pero sa pagkakilala ko sa ating pangulo, abogado eh, fairness, due process,” -Aniya

Pag apruba

Inaprubahan ng House of Representatives Committee of the Whole noong Miyerkules ang isang panukalang batas. Ito ay ang pagbibigay ng pansamantalang prangkisa ng ABS-CBN hanggang Oktubre 2020.

May Forever Na Ba Ang ABS-CBN O Pangsamantala Lang Muna Na Babalik? 4
Talking Points

Sa unang pahayag ni Cayetano na mas kailangan para sa Kongreso na mag-focus sa pagtugon sa coronavirus krisis. At kailangang bigyan ng sapat na oras upang harapin ang “kontrobersyal” na aplikasyon ng network para sa isang bagong 25-taong prangkisa. Kaya isinampa ni Cayetano ang panukalang batas na ito.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri,sinabi din ng Senado na “magtrabaho nang mabilis” upang maipasa ang provisional franchise ng ABS-CBN. Ito ay bago mag-iskedyul ang Kongreso sa unang linggo ng Hunyo.

Pansamantalang prangkisa

Ibinibigay ng House Bill No. 6732 ang pansamantalang prangkisa ng ABS-CBN na mag operate hanggang Oktubre 31, 2020. Bago ipasiya ng Kongreso ang mga matagal nang nakabinbin na panukala na ibigay ang media giant license na mag-broadcast ng 25 na taon pa.

Ang pansamantalang lisensya ay “magbibigay sa parehong Kapulungan ng mga Kinatawan at ang Senado na oras. Ito ay upang pakinggan ang mga isyu na inilatag laban sa pag-renew at masuring maayos. Pati narin ang pagiging walang kinikilingan at patas.

Ito ay kung bibigyan man o hindi ang network ng prangkisa para sa isa pang 25 taon. Ayon kay Cayrtano habang binabasa ang nakasaad sa panukalang batas,

“We cannot, in good conscience, sweep the accusations under the rug”.

Ang pagtigil ere

Ang paghinto ng ABS-CBN sa broadcast noong nakaraang linggo ay ang unang pagkakataon na napilitang mag-sign off mula sa diktadurang Marcos. Ang pag-shutdown ng naturang istasyon ay naka-apekto sa tinatayang 11,000 empleyado nito.

May Forever Na Ba Ang ABS-CBN O Pangsamantala Lang Muna Na Babalik? 7
The Summit Express

Hiniling nito sa Korte Suprema na itigil ang utos ng pagsasara ng NTC. Ang network, na umabot sa milyun-milyong mga Pilipino sa pamamagitan ng telebisyon, radyo at online platform nito, ay nagsabing hindi ito lumalabag sa batas sa 65 taon ng serbisyo. Ang News.abs-cbn.com ay ang pangkalahatang website ng balita ng ABS-CBN Corp.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: