Press "Enter" to skip to content

May “MAFIA” Sa Loob Ng Philhealth, Ibinunyag Ng Isang Dating Anti-Fraud Officer

Kamakailan lamang ay lumabas ang balita na mahigit 15-Billion ang nanakaw sa pera ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth). Ito ay napasakamay umano sa mga tinatawag na “Mafia” sa loob ng ahensiya.

Ibinunyag ang lihim

Nagsalita na ang dating Anti-Fraud Legal Officer na si Atty. Thorrsson Montes Keith sa naganap na hearing sa Senado nito lamang Martes. Ayon pa sa kanya, talamak ang pagnanakaw ng pondo sa ahensiya na ito.

May "MAFIA" Sa Loob Ng Philhealth, Ibinunyag Ng Isang Dating Anti-Fraud Officer 2
Photo Credit: Facebook

Tinawag niyang “Mafia” o mga sindikato ang mga taong kabilang sa execom at sangkot sa maituturing na krimeng ito. Tinatayang umabot na raw sa 15-Billion ang nakuha na pera ng mga mafia, ayon pa kay Atty. Keith.

“There is a mafia and syndicate in PhilHealth… sa paniniwala ko po sir, ‘yung execom po,” Keith said. “Lahat po sila sir, lahat ng execom.”

Sino ang mga sangkot

Sa naganap na hearing sa Senado, tinanong ni Senate President Vicente Sotto III si Atty. Keith kung maari niya pangalanan ang mga sangkot sa ibinunyag niyang korapsyon sa naturang ahensya. Ngunit dahil sa ito ay tinatawag na confidential, hindi ito maaaring ilabas sa publiko.

May "MAFIA" Sa Loob Ng Philhealth, Ibinunyag Ng Isang Dating Anti-Fraud Officer 3
Photo Credit: GMA News

Dagdag pa ni Atty. Keith, maituturing na crime of the year ang kanyang mga natuklasan tungkol sa mga matinding korapsyon na nagaganap sa loob ng Philhealth.

“Naniniwala po ako base sa aking imbestigasyon na ang perang nawaldas at ninakaw ay humigit kumulang P15 billion,” he told Senators.”

Walang sagot

Hindi naman nagbigay ng pahayag o sagot si Philhealth President and Chief Executive Officer Ricardo Morales sa naturang akusasyon. Aniya, mahina at hindi sapat ang mga ibinunyag ni Keith na korapsyon umano sa loob ng Philhealth.

May "MAFIA" Sa Loob Ng Philhealth, Ibinunyag Ng Isang Dating Anti-Fraud Officer 4
Photo Credit: Yahoo News

Hindi raw muna napapanahon ngayon sa pag-iimbestiga tungkol sa korapsyon dahil ang ahensiya nila ay maraming hinaharap na mga claimants araw-araw. Hindi na nga raw sapat ang kanilang mga tao para humarap at mag-asikaso sa mga claims.

Aniya,

“Marami pong dapat ayusin sa PhilHealth. PhilHealth needs help. It has taken too many body blows. Tulungan ho natin ang PhilHealth. Kung maari ho, ‘wag pagtulungan.”

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: