Press "Enter" to skip to content

May Nanalo Na! Matapos Madismaya Ng Dalawang Beses, May Nanalo Na Sa Papremyo Ni Idol Na P275k

Tunay nga namang inaabangan ng marami kung sino ang mananalo ng 275k na salapi mula kay Idol. Kaya naman lubos ang galak ng mismong host kahapon, Oct 16 dahil sa pangatlong pagkakataon ay nasungkit na ang premyo na matagal ng inaasam-asam ng lahat.

Napalundag si Idol!

Matapos nga ang dalawang beses na pagka-bato ng Grand Tulong mula kay Idol, sa wakas ay kahapon nakamit na ng Lucky Winner ang tumatagingiting na 275k na salapi.

May Nanalo Na! Matapos Madismaya Ng Dalawang Beses, May Nanalo Na Sa Papremyo Ni Idol Na P275k 2

Sa simula ng kaniyang segment, ay may halong kaba at panalangin si Idol na sana’y makamit na ito ng lucky winner. Kaya naman halos napalundag ito sa kasiyahan kasama ng kaniyang mga staff’s matapos na tumama at nakatutok mismo sa segment nila ang nanalo.

Maswerteng nanalo

Ang maswerteng nanalo sa 275k ang si Lola Lordiz Sison. Siya ay nakatira sa tagpi-tagping barong-barong na kapag umuulan ay nagbabasa ang matanda. Dagdag pa dito ang kaniyang kalagayan na wala siyang trabaho at naka depende lamang sa binibigay na pera ng kaniyang kapatid.

May Nanalo Na! Matapos Madismaya Ng Dalawang Beses, May Nanalo Na Sa Papremyo Ni Idol Na P275k 3

Ayon kay Lola Lordiz,

“Magandang Araw po, ako po ay humihingi ng tulong kasi wala po ako hanapbuhay. Humihingi lang ako sa kapatid ko ng pera para pambili ko ng pagkain. Binibigyan niya ako ng isang libo, kulang pa po tapos yung bahay namin sira pa.”

Kaya naman hindi maipinta ang mukha ni Idol sa sobrang galak at kasiyahan nito na manalo si Lola Lordiz.

Ani pa ni Idol,

“Yan po ang bahay na tinitirhan ni Lola. Kunting ulan lamang po ay nababasa na si Lola at gabi-gabi ay tinitiis nito ang lamig. Linggid sa kaalaman ng marami, si Lola ay madali ng makapitan ng sakit kagaya ng Pneumonia kaya hindi dapat siya nababasa at nababad sa ulan.”

Dagdag pa niya,

“siya po ang napili namin sa araw na ito and it so happened na nasagot niya po, nanonood siya satin. Di tulad ng mga nakaraan.”

Tulong para kay Lola

Kaya naman napaiyak sa tuwa si Lola Lordiz ng malaman niyang siya ang napili ni Idol na mabigyan ng random na pera na nagkakahalaga ng 275k.

May Nanalo Na! Matapos Madismaya Ng Dalawang Beses, May Nanalo Na Sa Papremyo Ni Idol Na P275k 4

Ani pa ni Lola,

“Maraming salamat po. Malaking tulong po ito samin. Dito na po kami nakatira kaso wala po kami hanapbuhay. Namumulot lang po kami ng basura. Ako po ay 78 anyos, may anak din po ako kaso wala man sila hanapbuhay. Kaya umaasa lang kami sa padala ng kapatid ko.”

Dagdag pa ni Lola,

“Minsan nanghihingi ako minsan nangungutang ako sa kapitbahay kahit na wala man ako pambayad.

Kaya naman sa lalong madaling panahon ay may pupuntang staff ni Idol sa bahay ni Lola para personal na ibigay ang kaniyang napanalunang na pera.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: