Press "Enter" to skip to content

May Pa-Cater At Banda Pa! Birthday Party Ni PMGen Sinas, Kinastigo Ng Netizens!

Viral sa social media ang kamakailang nagdaan na kaarawan ni Police Major General Debold Sinas. Ito ay matapos lumabas ang mga larawan ng tila isang malaking salo-salo ng mga kapulisan sa kabila ng ipinapatupad na enhance community quarantine protocol sa bansa.

Birthday bash

Literal na naba-bash ngayon ang diumano Manyanita o early morning serenade party ni PMGen Debold Sinas nitong ika-8 ng Mayo. Sa post ng PIO NCRPO Facebook page ay makikita ang pagbati ng kapulisan at ang mga larawan sa naganap na party. Ito ay sa kabila ng pinapairal na social distancing at pagbabawal ng mga mass events bunsod ng paglaganap ng pandemiya sa bansa.

May Pa-Cater At Banda Pa! Birthday Party Ni PMGen Sinas, Kinastigo Ng Netizens! 2
VIOLATION? NCRPO chief Major General Debold Sinas parties with cops at Camp Bagong Diwa on May 8, 2020, despite a ban on public gatherings under quarantine. NCRPO photo.

Viral photos

Sa naganap na party ay makikita ang ilang kapulisan na nagsasalo-salo sa handaan. May catering pa at tila mala-debut na kung saan ay may pa-flowers pa para kay PMGen Sinas. Sa kabilang banda, ang mga umattend sa nasabing event ay makikitang nakasuot ng facial mask. Ang iba naman at nakasuot ng face shields. Ganunpaman, kapansin-pansin sa mga larawan ang tila hindi nasusunod na social distancing.

May Pa-Cater At Banda Pa! Birthday Party Ni PMGen Sinas, Kinastigo Ng Netizens! 3
VIOLATION? NCRPO chief Major General Debold Sinas parties with cops at Camp Bagong Diwa on May 8, 2020, despite a ban on public gatherings under quarantine. NCRPO photo.

Violation

Bagaman masayang ibinahagi ng PIO NCRPO ang kanilang selebrasyon ay pinutakti naman ng mga galit na netizens ang post dahil sa anila ay hindi pagsunod ng kapulisan sa pinapairal na batas. Matatandaang ipinagbabawal ang mga birthday parties, mass gatherings, o anumang mga events bunsod ng kumakalat na virus sa bansa.

May Pa-Cater At Banda Pa! Birthday Party Ni PMGen Sinas, Kinastigo Ng Netizens! 4
VIOLATION? NCRPO chief Major General Debold Sinas parties with cops at Camp Bagong Diwa on May 8, 2020, despite a ban on public gatherings under quarantine. NCRPO photo.

Ito ay nakasaad sa Bayanihan Heal As One Act, kaya naman ay kinukwestyon ito ng maraming netizens. Ang iba naman ay nagtataka kung paano anila nakalusot sa checkpoint ang catering service na nagserve sa party.

May Pa-Cater At Banda Pa! Birthday Party Ni PMGen Sinas, Kinastigo Ng Netizens! 5
VIOLATION? NCRPO chief Major General Debold Sinas parties with cops at Camp Bagong Diwa on May 8, 2020, despite a ban on public gatherings under quarantine. NCRPO photo.

Kapansin pansin din ang “bro fist” hand gesture ng mga kapulisan kay Sinas bilang pagbati sa kaarawan nito. Anila ay pinagbabawal muna ang handshaking sa panahon na ito. Nananawagan ang mga netizen na dapat ay imbestigahan ng Philippine National Police ang naganap na mass gathering sa kaarawan ni PMGen Sinas.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: