Matagumpay na inanunsyo ni Minister Suvit Maesincee ng Ministry of Education, Science, Research and Innovation ng Thailand nitong Lunes ang pag-unlad ng kanilang trial vaccine para sa coronavirus disease o COVID-19. Ang trial ay isinagawa sa mga macaque monkey at malapit na sila magsagawa ng pagsubok sa mga tao o human trial.
Bakuna sa COVID-19 ng Thailand
Ang mRNA type vaccine ng Thailand ay isa sa mahigit na 100 sinasaliksik sa buong mundo bilang pangontra sa mapaminsalang virus na nakahawa sa mahigit sa 8.7 milyong katao at may 461, 000 na patay. Nitong Linggo nakapagtala ng pinaka marami na umabot ng 183,000 kaso sa isang araw.

Sa ngayon, nagsasaliksik buong linggo para sa bakuna ang China at nagkukulang na sila sa mga unggoy sa kanilang pananaliksik. Sa ulat naman sa Singapore ay magsisimula na ang human trial sa buwan ng Agosto.

Suportado ng gobyerno ng Thailand ang sinasagawang pagsasaliksik at nagsasagawa na sila ng pangangalap ng mga volunteers para sa isasagawang vaccine trial.
Human Trial
Magsisimula magsagawa ng human trial kung makikitaan muli ng magandang resulta sa pangalawang pagsubok na isinagawa nitong Lunes. Isinagawa ang bakuna sa 13 unggoy at malalaman sa loob ng 2 linggo kung sakali uusad sila sa kanilang pagsasaliksik.

At kung sakaling magtagumpay ang pangalawang pagsubok ng bakuna, kukuha sila ng 10,000 na dosis para sa human trial. Inulan ng mga boluntaryo ang kanilang grupo para sa human trial.
Ani ni Minister Sumit
So if the second doses produce good results, the next step would be human trials, in either October or November, to prove safety and efficacy.

Dagdag pa ni Kiat Ruxrungtham, director ng Chulalongkorn University’s Centre of Excellence in Vaccine Research and Development.
We’re going to analyse the immune response once again. If the immune response is very, very high, then this is a good one
“The earliest we can get may be late September. But we don’t expect it that soon, and the latest may be by November.
National Primate Research Center
Sa National Primate Research Center ng Chukakungkom University sa probinsiya ng Saraburi isinasagawa ang pananaliksik.

Ang mRNA type vaccrine na kandidato ng Thailand pangontra sa coronavirus disease 2019.

Ang grupo ng siyentipiko ay pinangangasiwaan nina Dr. Sirirurg Songsivilai, secretary-general of the National Research Council at Dr. Nakorn Premsri, director of National Vaccine Institute na inatasan ni Minister Sumit.
Macaque Monkey
Ang isinasagawang pagsasanay ay nahahati 3 grupo na binibigay sa unggoy. Ang isa makakatanggap ng mataas na dosis, ang isa naman may mababang dosis at ang sa huli wala.

Sa kabuuan makakatanggap sila ng 3 bakuna na may pag-itan ng isang buwan bago bigyan ulit.
Ang unang pagsubok ng bakuna ay nagsumula noong May 23, malaki ang naging magandang resulta sa mga 3 nabigyan ng mababang dosis kumpara sa isa na may mataas na dosis.
Ani ni Minister Suvit
The doses of the mRNA candidate vaccine were administered to the monkeys on May 23 by researchers at the National Primate Research Center in Thailand’s central province of Saraburi.
All the monkeys remained in good health and have developed satisfactory immune responses to the virus.

Si Prime Minister Prayut Chan-o-cha ay pinagtutuunan ng importansiya ng pagkakaroon ng Thailand ng sariling bakuna laban sa covid-19 kung kaya’t nakipagtulungan sila sa bansang China at United State.
Source: Philippine News Agency
Be First to Comment