Press "Enter" to skip to content

“May Paki Ka Ba Sa Amin”? Ilang Celebrity Nag-react Sa Pangulo Sa Anti-terror Law!

Matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang ipinasang Anti-terror law ay marami sa mga netizen ang hindi sumang-ayon dito. Gayundin, may ilang mga celebrity sa industriya ang naglahad ng kanilang mga reaksyon tungkol dito.

Anti-terror law

Ang anti-terrow law o anti terror bill na batas ay sinasabi nilang magbibigay ng pangil sa estado “laban sa mga terorista.” Ang probisyon ng nasabing batas na Senate Bill 1083 ay kinopya naman mula sa house bill 6875. Sa declaration of policy ng panukala, sinasaad ang mga sumusunod:

“It is declared a policy of the State to protect life, liberty, and property from terrorism, to condemn terrorism as inimical and dangerous to the national security of the country and to the welfare of the people, and to make any terrorism a crime against the Filipino people, against humanity, and against the law of nations.”

Mga celebrity

Ilang celebrity ang naglabas ng kanilang iba’t-ibang reaksyon matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinasang batas na Anti-terror law noon Biyerne ika-3 ng Hulyo.

Mga Celebrity- Anti-terror Law
Photo Credit: Rappler

Si Zild Benitez, Blaster Zalonga, aktres na si Gabbi Garcia at direktor na si Antoinette Jadaone ay ilan lamang sa mga naunang nagsalita tungkol sa pag pirma ng Pangulo sa nasabing batas.

Ani Blaster Zalonga,

“Dear Rodrigo Duterte, may pakialam ka ba talaga sa amin?”

Protesta ng pilipino

Bukod sa ilang mga celebrity na ito ng industriya ay marami ding mga pilipino ang nagbigay ng kanilanng kumento sa hindi pag sang-ayon sa nasabing batas na ito. Bago pa man mapirmahan ito ay marami na ang hindi sumang-ayon at nagpahayag ng kanilang pagtutol sa social media.

Protesta- Anti-terro Law

Ilan sa mga netizen ang sigaw ay ibasura ang naturang usapin na ginamitan pa ng hashtag #JunkTerrorBill, ngunit ang nasabing batas ay ngayon isa ng ganap dahil sa pirma na ginawa ng Pangulo kaya naman binatikos ito ng marami.

Matinding reaksyon

Matapos ilabas ng Palasyo ang ginawang desisyon ito ng Pangulo ay agad itong umani ng iba’t-ibang matinding reaksyon gaya na lamang ng sinabi ng isang Musician na si Johnoy Danao,

Aniya,

“Gago lang talaga, ano?” and expressed his fear over the move, but said “mas lalong dapat manindigan (all the more we have to fight).”

Matinding Reaksyon- Anti-terror Law

Habang si Juan Miguel Severo ay nagtanong kung ito ba talaga ang prayoridad ngayon ng gobyerno.

“Grabe (wow) this government is the best. It’s priorities?”

Ang isa sa mga nagpahayag ng reaksyon ay sinabing may kapangyarihan nga diumano ang Pangulo ngunit hindi naman umano nito ito ginagamit ng tama. Ani- Musician Unique Salonga.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: Rappler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: