Press "Enter" to skip to content

Mayor Emeng Planong Lagyan Ng Internet Ang Bawat Bahay Sa Gapan

Nueva Ecija, Philippines- Ayon sa punong lungsod ng Gapan na si Mayor Emeng Pascual ay plano nitong lagyan ng internet ang bawat bahay na kanyang nasasakupan. Ito ay upang makatulong sa sistema ng DepEd na online homeschooling ng mga estudyante sa darating na pasukan.

Ang plano

Ang planong ito ng punong lungsod ay masaya nitong ibinalita sa kanyang video noong ika-2 ng Hunyo. Ayon dito, malamang ay nasa 10% lamang sa kanyang mga residente ang maaring may laptop o access ng internet bagay na mahirap para sa iba lalo na sa mga estudyante na magbabalik-aral.

Ang Plano- Viral now
Photo Credit: Homeschooling

Ang video ay inupload sa isang social media kung saan sinabi pa nito na ang kanilang lungsod ay may malaki diumanong pondo para sa plano nyang ito. Sinabi din nito na isang fiber optic na klase ng internet na nais nitong ipalatag sa kanilang lugar at ito ay ikokonek sa command center ng kanilang City Hall.

Ang maaring makinabang

Ayon pa dito, ang lahat diumano ng kanyang kapitbahay sa buong lungsod ay maaring makinabang kung nais ng mga ito na magkaroon ng access dito. Ang bawat tahanan ay bibigyan ng 5 mbps na nagkakahalaga lamang ng 5 piso bilang kabayaran.

Maaring Makinabang- Viral now
Photo Credit: Viralnow

Nais ng Mayor na maisakatuparan ang plano sa lalong madaling panahon ngayong buwan ng Hunyo, nang sagayon ay wala ng dahilan upang ang mga estudyante sa lungsod ay hindi magpatuloy sa kanilang pag-aaral.

Ang layunin

Bukod sa planong ito para sa kanilang lungsod ay sinabi pa nito na mayroon pang ibang pondo ang kanilang City Hall at ito ay nakalaan naman sa planong paglalagay ng aircon sa bawat classroom ng pampublikong paaralan, para pa din sa mga mag-aaral ng kanilang lungsod.

Ang Layunin- Viral now
Photo Credit: Peoplaid

Ang pondo ay kayang maglagay ng aircon sa 787 na silid aralan. Samantala ang planong ito ay pag-uusapan pa diumano nila ng DepEd upang malaman kung ito ay naayon na sa sitwasyon ngayon.

Narito ang nasabing video

SANA ALL GANITO ANG MAYOR

Mayor Emeng Pascual ng Gapan Nueva Ecija pinupuri ngayon sa paglalagay ng internet sa bawat bahay ng Gapan….

Posted by Viral NOW on Tuesday, June 2, 2020

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang Pinasbalita.org

Source: Viral Now

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: