Press "Enter" to skip to content

Mayor Isko: Handa Ang Lungsod Ng Maynila Para Sa GCQ

Sinabi ni Mayor Isko Moreno na handa ang lungsod ng Maynila sa posibleng pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) sa buong Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa nitong Huwebes, ika-28 ng Mayo.

‘Handa po kami sa Maynila’

Sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang pamahalaan ng lungsod ay maigting na pinaghandaan ang iba’t ibang mga pasilidad na tutugon sa mga pangangailangan ng dumadaming mga pasyente ng Coronavirus disease-2019 (COVID-19) habang patuloy ang mga alituntunin hingil sa community quarantine.

Mayor Isko: Handa Ang Lungsod Ng Maynila Para Sa GCQ 2
Source: ABS-CBN News

Sinabi ni Mayor Isko,

“We are ready in any eventuality. Whatever category na ma-place ang Manila (that Manila will be placed under), for that matter,”

Bagong pasilidad sa lungsod, binuksan

Binuksan ng pamahalaang lungsod ang bagong quarantine facility para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Arellano High School nitong Huwebes.

Ang isolation facility ay maaaring magakomodeyt ng halos 40 na pasyente, ito ang pinakabagong pasilidad na binubuksan ng pamahalaan ng lungsod.

Mayor Isko: Handa Ang Lungsod Ng Maynila Para Sa GCQ 3
Source: Aksyonradio

Sa ngayon, ang mga isolation facilities ay kasalukuyang matatagpuan sa Delpan Evacuation Center, Araullo High School, Tondo High School, at T. Paez High School. Ang mga pasilidad na ito ay may pinagsamang kapasidad na higit sa 200 mga higaan para sa mga pasyente.

Pagtatayo ng iba pang pasilidad, pinaplano

Plano ng gobyerno ng lungsod na magtayo ng higit pang pasilidad sa Tondo Sports Complex, Patricia Covered Court, Del Pilar High School, P. Gomez High School, Dapitan Sports Complex, at Bacood Elementary School.

Mayor Isko: Handa Ang Lungsod Ng Maynila Para Sa GCQ 4
Source: Manila Bulletin

Nauna nang sinabi ng alkalde ng Maynila na ito ay para ihanda ang lungsod sa posibleng pag-angat ng mga kaso ng COVID-19 sa panahon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) o GCQ. Nais magbigay ng pamahalaan ng lungsod ng hanggang sa 500 mga kama para sa mga probable at suspected patients ng COVID-19 sa lungsod.

Pahayag ng pamahalaan ng lungsod, nitong Miyerkules ng gabi, mayroong 384 na nakarekober at 98 na pasyente ang namatay.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: