Press "Enter" to skip to content

Mayor Isko Moreno, May Bagong Pa-ambon Sa Mga Manileño

Manila, Philippines – Bilang bahagi ng “CODE COVID-19: Contain and Delay” action plan ng pamahalaang lungsod ng Maynila laban sa nasabing pandemya, muling makatatanggap ng P1,000 ayuda ang may 680,000 pamilya sa nasabing lungsod.

Programa ng CACAF

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, ito na ang ikalawang buhos ng City Amelioration Crisis Assistance Fund (CACAF) kung saan nasa 896 barangay na ang nagsisimulang mamahagi nito sa bawat pamilya na kanilang nasasakupan.

Mayor Isko Moreno, May Bagong Pa-ambon Sa Mga Manileño 2
Photo credits: Facebook – Mayor Isko Moreno

Matatandaan na nasa 607,000 pamilya lamang ang unang naitala mula sa 896 barangay sa Maynila ngunit nang magsagawa ng “update” sa master list ay bigla itong lumobo ng mahigit 680,000 pamilya.

Umuulan na blessing

Bukod pa umano ang nasabing cash assistance sa ayudang natanggap nila na food boxes, rice subsidy na 3 kilo, financial assistance para sa senior citizens, solo parents, persons with disabilities, milk assistance para sa mga senior citizen, at cash allowances para sa mga estudyante sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Universidad de Manila.

Mayor Isko Moreno, May Bagong Pa-ambon Sa Mga Manileño 3
Photo credits: Twitter Isko Moreno

Namahagi din ang pamahalaang lungsod ng ayuda sa mga tsuper, trike driver, e-trike driver, at padyak boys nang makatanggap sila ng tig-25 kilo ng bigas habang tig-isang sako ng bigas ang ibinigay sa bawat pulis na nakatalaga sa Manila Police District (MPD).

Naglaan din ang lokal na pamahalaan ng tulong pinansiyal na P5,000 bawat isa sa 10,072 na guro at 1,077 na mga Non-teaching personnel.

Proyektong sinusulong

Samantala, para naman sa “business sector, nagpasa ang pamahalaang lungsod ng isang ordinansa na magpapalawak ng “deadline” para sa una at pangalawang quarter ng pagbabayad sa Business Tax at Real Property Tax na hanggang Hunyo 30, 2020.

Mayor Isko Moreno, May Bagong Pa-ambon Sa Mga Manileño 4
Photo credits: Twitter Isko Moreno

Bukod pa sa kaniyang pamimigay ng tulong, hands-on din sisi Yorme sa lahat ng kaniyang proyekto. Dagdag pa nito, puspusan din ang kaniyang ginagawang clean-up drive sa kanilang lugar para mapanatili ang kalinisan ng Manila.

Source: Mayor Isko Moreno

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: