Press "Enter" to skip to content

Mayor Isko Moreno, May Pa-Kunswelo Sa Mag-aaral Ng Manila

Manila, Philippines – Mahigit 275,000 na mag-aaral mula sa mga pumpublikong paaralan ng Maynila, mula kindergarten hanggang Grade 12, ay makakatanggap ng ayuda tulad ng food packs at hygience kits mula sa pamahalaang lokal ng lungsod.

Tulong sa mag aaral

Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, uumpisahan ang distribusyon ng naturang mga ayuda sa susunod na linggo sa tulong mga public school principals.

Mayor Isko Moreno, May Pa-Kunswelo Sa Mag-aaral Ng Manila 2
Photo credits: Abante

Sa pagpupulong ni Yorme kasama sina Manila City Schools Division Superintendent Dr. Maria Magdalena Lim, Division of City Schools Property Chief Roland Soriano, at 107 pang principals, napagpasyahan ang paglikha ng isang database ng mga estudyante na nakagrupo base sa kinabibilangang barangay.

Makatutulong di umano ang nasabing database para sa mabilisang pamamahagi ng ayuda. Mga magulang o opisyal na tagapag-alaga ng mag-aaral ang tanging pinahihintulutang tumanggap sa ibibigay na ayuda.

Ayuda sa mga ManileƱo

Nauna ring sinabi ni Yorme na makakatanggap ng karagdagang P1000 na ayudang pinansyal ang tinatayang nasa 680,000 na pamilyang nakatira sa lungsod matapos amyendahan ang orinihal na ordinansa upang maipasok ang mga karagdagang benepisyaryo.

Mayor Isko Moreno, May Pa-Kunswelo Sa Mag-aaral Ng Manila 3
Photo credits: Manila Gov

Sa inisyal na tala ng Manila Public Information Office, 607,000 ang naisama sa City Amelioration Crisis Assistance Fund (CACAF). Subalit, may 898 na barangay ang nag-update ng kani-kanilang listahan na nagresulta sa pagdagdag sa bilang ng mga benepisyaryo.

Umuulan na blessing

Bukod pa umano ang nasabing cash assistance sa ayudang natanggap nila na food boxes, rice subsidy na 3 kilo, financial assistance para sa senior citizens, solo parents, persons with disabilities, milk assistance para sa mga senior citizen, at cash allowances para sa mga estudyante sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Universidad de Manila.

Mayor Isko Moreno, May Pa-Kunswelo Sa Mag-aaral Ng Manila 4

Namahagi din ang pamahalaang lungsod ng ayuda sa mga tsuper, trike driver, e-trike driver, at padyak boys nang makatanggap sila ng tig-25 kilo ng bigas habang tig-isang sako ng bigas ang ibinigay sa bawat pulis na nakatalaga sa Manila Police District (MPD).

Naglaan din ang lokal na pamahalaan ng tulong pinansiyal na P5,000 bawat isa sa 10,072 na guro at 1,077 na mga Non-teaching personnel.

Source: Manila Govt

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: