Press "Enter" to skip to content

Mayor Vico, Layunin Makalikom Ng Isang Bilyong Pandagdag Ayuda sa Pasig; Ilang Proyekto, Ikakansela Muna.

Maaaring kanselahin muna ang ilan sa mga nakaabang na proyekto ng Pasig. Ito ay upang makalikom nang karagdagang pondo na ipantutulong sa mga pamilyang hindi nakasali sa nationwide COVID-19 cash aid program.

Isasantabi muna

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto ay naghahanap sila ng ilang mga proyekto ng Lungsod na maaaari munang isantabi o iantala. Ito ay para makalikom nang karagdagang isang bilyong piso.

Mayor Vico, Layunin Makalikom Ng Isang Bilyong Pandagdag Ayuda sa Pasig; Ilang Proyekto, Ikakansela Muna. 1
filipinotimes.net

Ang binubuong pondo ay gagamitin ng lungsod ng Pasig para sa supplemental social amelioration program. Ito ay karagdagang ayuda ng lungsod sa mga mahihirap na pamilya na apektado ng kasalukuyang quarantine.

Magagamit na budget

Sinabi ni Mayor Vico na sa kasalukuyan ay nakakita na ang kanyang mga kawani ng ₱1.5 billion na maaaring gamitin para sa cash assistance.

Mayor Vico, Layunin Makalikom Ng Isang Bilyong Pandagdag Ayuda sa Pasig; Ilang Proyekto, Ikakansela Muna. 2
autoindustriya

Ayon pa rin sa Alkalde, hanggat maaari ay maliliit na proyekto lamang ang nais nilang isantabi. Karaniwan raw sa mga proyektong ito ay may kinalaman sa imprastraktura.

Isa sa partikular niyang tinukoy ay ang rehabilitasyon ng mga kalsada. Aniya, maaari naman daw ituloy iyon sa susunod na taon.

Iba pang solusyon

Sa kasalukuyan ay tinitingnan na rin ng Mayor ng Pasig kung gaano pa ang naka imbak na pera ng kanilang lungsod sa bangko. Ito ay bahagi pa rin ng patuloy na pag responde ng Alkalde sa problemang idinulot ng COVID-19 sa kanyang nasasakupan.

Mayor Vico, Layunin Makalikom Ng Isang Bilyong Pandagdag Ayuda sa Pasig; Ilang Proyekto, Ikakansela Muna. 3
Discovery hotels

Pag kumpirma ni Sotto, nasa kulang kulang 300,000 na ang bilang ng mga pamilyang naninirahan sa Pasig. Nasa 250,000 na pamilya naman daw ang nangangailangan ng tulong sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Ngunit, 93,000 pa lamang daw ang pinalad na maka tanggap nang tulong mula sa nationwide subsidy program ng gobyerno. Kung kaya layunin ng lungsod na makapagbigay ng karagdagang tulong na nasa ₱8000 sa natitira pang pamilya na hindi nasakop ng naunang programa.

Pag uusapan pa

Gayunpaman, ang nasabing plano ay isang mungkahi pa lamang na pag uusapan pa raw ng
City Council.

Sa kasalukuyan ay ang pinaka mahihirap na pamilya pa lamang ang kabilang sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: