Press "Enter" to skip to content

Medical Supplies Na Ibebenta Sana Ng Mas Mahal, Nasabat Sa Isang Gusali Sa Maynila

Nasabat ng Bureau of Customs ang kahong kahong medical supplies sa Binondo, Maynila. Nakaplano sanang ibenta ito ng isang kumpanya sa mas mahal na presyo.

Kakulangan ng medical supplies

Matatandaan na malaki ang kakulangan ng bansa sa mga medical supplies tulad ng face mask, alcohol, at iba pang PPE o Personal Protective Equipment para sa mga frontliners. Marami na sa mga hospital ngayon sa bansa na mas hinihiling sa publiko na medical supplies na lamang ang ibigay kung nais nilang mag-donate sa halip na cash donation.

Ito ay sa kadahilanan na malaki na ang kakulangan ng mga hospital sa medical supplies. Private o public hospital man ito.

Huli kayo

Sa kabila ng kakulangan sa mga hospital ng medical supplies, kahon kahon naman nito ang nasabat ng Bureau of Customs sa isang gusali sa Binondo, Maynila. Napag-alaman na ito ay balak na ibenta ng kumpanya sa mas malaking halaga.

Makikita sa isang video na pinost ni Isa Umali sa kanyang social media account ang kahon-kahong smuggled face mask, alcohol at iba pang medical supplies.

Maaring i-donate sa mga frontliners

Ayon naman kay BOC Intelligence Officer III Alvin Enciso, sa oras na matapos na magamit ang nasabat na supplies bilang ebidensya na kanilang ipepresenta sa korte, hihilingin nila na ito ay maipamigay sa mga frontliners.

Malaking tulong

Matapos ang sunod sunod na pag-panaw ng ilan sa mga bayaning doktor na nag-positibo sa COVID-19, magiging malaking tulong naman umano ang mga ito sa ating mga frontliners.

Ayon pa ilang netizens, ang mga frontliners ang pinakaunang tao na-eexpose sa mga may sakit kung kaya’t hindi sila dapat nakukulangan sa mga kagamitan at sila ang mas higit na nangangailangan ng mga ito.

Medical Supplies Na Ibebenta Sana Ng Mas Mahal, Nasabat Sa Isang Gusali Sa Maynila 4

Umaasa naman ang mga tao na maipamahagi agad ang mga ito sa mga hospital upang masiguro na rin ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga frontliners.

Source: Twitter

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: