Browse By

Megafit ang Megastar Sharon Cuneta

Ang tamis ng tagumpay ang naramdaman ng Megastar na si Sharon Cuneta. Ipinagmamalaki ni Sharon Cuneta sa kanyang mga tagahanga tungkol sa limang taong weight loss journey kung saan nakayanan niyang bumaba mula extra extra large (XXL) hanggang sa size medium.

Sinabi ng Megastar na ang katawan niya ay nagbago ng ilang hugis at nagpakita ng isang litrato kasama ang celebrity na doktor na sa Aivee Teo sa kanyang Instagram. Pinasalamatan niya ang artista sa kanyang pagbabawas ng timbang.

Determinasyon

“Look who’s here! Aivee Day with my now-so-sexy [and] skinny friend Sharon Cuneta.”

“Look at her! From XXL to medium. It’s been a long five-year journey of weight loss [and] healthier you at the @theavieclinic and it’s so worth it.”

– Celebrity Doctor Aivee Teo, Nobyembre 4, 2021

Binigyan ng pugay si Cuneta galing din kay Dr. Z Teo, ang asawa ni Dr. Aivee Teo. Ayon sa kanya, ang pagbabawas ng timbang ng Megastar ay isang kwento ng determinasyon, pasensya, at tiwtiwala sa pagitan ng doktor at pasyente.

Photo Credit: Sharon Cuneta’s Instagram

“It makes our hearts jump with joy to see how thin, healthy, young and energetic she is now after losing all those weight and inches.”

– Dr. Z Teo, Nobyembre 4, 2021

Progreso at tagumpay

Palaging nagkukwento si Cuneta tungkol sa kanyang weight loss milestones sa kanyang social media, at sinabi sinimulang niya magdiet ng on at off simula ng Enero 2016. Ipinakita rin niya ang isang litrato kung saan nakasuot siya ng isang swimsuit nuong Nobyembre 2020 habang diniin na kahit hindi pa siya ganuon ka fit, patuloy pa rin ang kanyang pagbawas ng timbang.

Sa ngayon, may mga bali-balita na makakasami ang Megastar sa teleseryeng “Ang Probinsyano” simula ng nagbanggit sila na magkakaroon ng isang “Mega” addition sa kanilang palabas.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Your email address will not be published.