Press "Enter" to skip to content

Mensahe Ng Pagasa! Isang Pasyente Ng Covid-19 Sa Sta. Ana Hospital Magaling Na!

Manila, Philippines – Ipinagdiriwang ng mga doktor at narses ng Sta. Ana Manila ang isang patiente na gumaling na mula sa nakamamatay na corona virus disease (Covid-19) noong Myerkules.

Masayang pagpapa-alam

Sa ipinakitang video ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagos na ini-upload sa kanyang social media account, makikitang nag papalakpakan habang kumakanta ang mga medical staff ng Sta Ana Manila.

Mensahe Ng Pagasa! Isang Pasyente Ng Covid-19 Sa Sta. Ana Hospital Magaling Na! 2
Source: Facebook

Tuwang-tuwa naman ang isang survivor ng Covid-19 habang dinodokumento niya sa kanyang cellphone ang pag labas niya ng hospital.

Bagong pag-asa

Samantala, kahapon ay meron panibagong limang survivor ang hinarana ng mga doktor at nurses bago nila pinauwi sa kani-kanilang bahay.

Mensahe Ng Pagasa! Isang Pasyente Ng Covid-19 Sa Sta. Ana Hospital Magaling Na! 3
Source: Facebook

Sa kasalukuyan, ang hospital ng Sta Ana ay may naitalang 12 na pasyenteng naka rekober na, 190 ang mga person under investigation (PUI), habang 26 naman ang nag positibo sa nakamamatay na sakit at nasa ilalim pa rin ng pangangalaga ng nasabing hopital.

Pagpapasalamat

Sa ngayon, meron silang bagong natanggap na 50 piraso na PPE mula naman sa isang doktor. Nagpa abot din ng pasasalamat ang mga medical staff ng Sta. Ana Manila sa lahat ng mga nagbigay ng pagkain, mga bagong gloves at mask sa kanilang hospital.

Mensahe Ng Pagasa! Isang Pasyente Ng Covid-19 Sa Sta. Ana Hospital Magaling Na! 4
Source: Facebook

Lubos namang nagpapa salamat si Mayor Isko Moreno sa walang humpay na pag alaga at dedikasyon ng mga doktor at nurses sa nasabing hospital. Marami naman ang nag bigay pugay at ibinahagi ang kanilang pagpapa salamat sa patuloy na pag dami ng mga gumagaling na pasyente sa nakamamatay na sakit na COVID-19.

Sa Kasalukuyan

Umabot na sa 2,633 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa buong Pilipinas, samantalang 107 ang namatay at 51 naman ang kabuohang naka rekober.

Narito ang nakaka antig pusong video ng nasabing pasyente:

https://web.facebook.com/watch/?v=217800702772521

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: