Press "Enter" to skip to content

Meralco Bill Ng Isang Netizen, Umabot Ng 1.7 Million

Viral ang mala-Lotto jackpot prize na MERALCO bill ng isang netizen. Dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine kasabay ng mainit na panahon, magkano nga ba ang inabot ang bill ng kuryente ng isang netizen?

Palasyo

Pinagkakaguluhan sa social media ang post ng netizen na si Joven Salarda nang ibahagi nito ang bill sa kuryente ng kanyang kaibigan. Sa larawan na pinost nito ay umabot sa tumataginting na P1, 773, 551.55 ang MERALCO bill ng isang kaibigan nito. Sa post nito, nagbiro ito ng,

Meralco Bill Ng Isang Netizen, Umabot Ng 1.7 Million 2

“Ipapasara ko na ata ang bahay ko.”

Inulan ng comments ang post ni Salarda mula sa maraming netizens. Bagaman marami ang natawa, maraming naging ispekulasyon ang maraming netizens kung bakit umabot sa 1.7 million ang bill ng isang private residence. Biro ng iba, tila sa kanilang bahay nakasaksak ang metro ng buong barangay nila. Ayon naman sa iba, baka naman nagkaroon lamang ng typo error ang kawani ng MERALCO.

Ngunit ano nga ba ang katotohanan sa likod ng viral post na ito?

Update

Sa isang hiwalay na post ay nagbigay ng update ang netizen na si Salarda. Ayon dito, naireport na ang insidente at nagpadala ang MERALCO ng tamang bill sa pamamagitan ng electronic mail. Pinasalamatan nito ang mabilis na pag-aksyon ng kumpanya ukol rito. Aniya ay typo error lamang ang nangyari. Sa isang tanong ng nagkomentong netizen, magkano nga ba ang tamang bill ng kaibigan ni Salarda?

Meralco Bill Ng Isang Netizen, Umabot Ng 1.7 Million 3

Sagot nito, P1,700 lamang dapat.

ECQ

Bunsod ng ECQ at nasa bahay lahat ng tao, maaaring magkaroon ng kaunting pagtaas ng kuryente dahil 24/7 ang konsumo ng kuryente sa bawat tahanan. Dagdag pa riyan ang lubos na init ng panahon kaya naman halos lahat ay sabay sabay ang paggana ng mga aircon o electricfan. May mga kaso kamakailan ng pagputok ng mga transformer sa ilang mga lugar sa Metro Manila.

Alerto

Sa kabilang banda, dapat ay maging alerto tayo sa ating mga bayarin na bills. Icheck kung tama ang reading sa ating mga metro. Lalo na ngayon at kailangan ng lahat na maghigpit ng sinturon pagdating sa mga gastos.

Source: Philnews.ph

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: