Browse By

Metro Manila Ibababa Sa Alert Level 3 Simula Ngayong Sabado

Manila- Aprubado nang ibababa sa alert level 3 mula alert level 4 ngayong sabado simula Oktubre 16-31, ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution No. 143-A . Mas magiging maluwag na ang mga ipapatupad na mga alituntunin.

Photo Credits: rappler

Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque Jr, sa isang press briefing kahapon Oktubre 14, 2021 na ang National Capital Region (NCR) ay maroong moderate healthcare utilization rate at moderate two-week growth rate at daily attack rate, na nangangahulugang ang NCR ay maaring ibaba sa alert level 3.

Photo Credits: RTVMalacanang

Mga pinapayagan

Sa ilalim ng mga alituntunin para sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 3

“Pinapayagan ang intrazonal at interzonal travel, napapailalim sa reasonable restrictions na base sa edad at co-morbidities, dependi sa desisyon ng mga tumatanggap na LGU,”

Secretary Roque.

Nabanggit din ni Roque ang mga alituntunin para sa pinapayagan na mga industriya at aktibidad sa ilalim ng Alert Level 3.

“Ang pinapayagan, ang general rule ay 30 porsyento sa indoor venue ngunit para lamang po yan sa fully vaccinated, at 50 porsyento sa labas ng venue para sa lahat, nabakunahan man o hindi nabakunahan, “

Secretary Roque.

Mga pinagbabawal

Inilahad din ni Roque ang mga aktibidad at mga industriya na ipinagbabawal sa ilalim ng alert level 3, kasama dito ang face to face o personal na klase para sa basic education, contact sports maliban doon sa mga isinasagawa sa mga bubble-type set-up at sa mga aprobado ng mga local government units (LGU), funfair, mga perya, at kid amusement industries, at mga venue na mayroong live voice o wind-instrument performers at mga madla.

Ipinagbawal din ang mga casino, karera ng kabayo, sabong at pagpapatakbo ng mga sabungan, loterya at pagtaya sa mga tindahan, at iba pang mga establisimiyento maliban sa maaaring pahintulutan ng IATF o ng Opisina ng Pangulo, at mga pagtitipon sa mga tirahan na may mga indibidwal na hindi kabilang sa iisang bahay .

Alert level 3 system

Photo Credits: ONE News PH
Photo Credits: ONE News PH
Photo Credits: ONE News PH

Para sa kompleto at karagdagang impormasyon panoorin dito ang press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque:

Source: Presidential Communications Operations office, Harry Roque

Leave a Reply

Your email address will not be published.